Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Don’t worry! Jesus is there, mensahe sa bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

 494 total views

August 24, 2020

Binati ng Arkidiyosesis ng Ozamiz si Bishop Moises Cuevas sa pormal na pagtatalaga bilang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Zamboanga.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Martin Jumoad, sinabi nitong ang pagtanggap ni Bishop Cuevas sa misyong iniatang ng simbahan ay paghahayag ng pagsunod at pakikiisa sa misyon ni Hesus.

“Congratulations and thank you for saying yes to become the Auxiliary Bishop of Zamboanga; your YES means accepting in helping the Archbishop Romy de la Cruz in carrying the Cross of the Archdiocese,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.

Pinawi ng arsobispo ang pangamba ni Bishop Cuevas sa bagong hamon na kakaharapin sapagkat kasama nito si Kristo sa bawat gawaing gagampanan sa arkidiyosesis.

Kasabay ng kapistahan ni Apostol San Bartolome nitong ika – 24 ng Agosto ay pormal na itinalagang Auxiliary Bishop ng Zamboanga si Bishop Moises Cuevas na hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco noong Marso.

Pinangunahan ni Archbishop Romulo Dela Cruz ang episcopal ordination kasama sina Archbishop Jumoad at Bishop Julius Tonel habang si Bishop Ronald Lunas naman ang nagbahagi ng pagninilay.

Paalala ni Archbishop Jumoad sa bagong obispo na instrumento lamang ng Panginoon ang mga pastol ng simbahan upang ibahagi sa mananampalataya ang dakilang pag-ibig ng Diyos.

“Don’t worry! Jesus is there. This ministry belongs to God and we are just God’s instruments to accomplish his mission; give your best and God will carry you through,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Bilin ng arsobispo kay Bishop Cuevas na patuloy manalangin at higit magtiwala sa Panginoon sa paglilingkod sa kawan ng arkidiyosesis na tahanan ng mahigit sa kalahating milyong Katoliko.

Una nang humiling ng panalangin si Bishop Cuevas sa mananampalataya kaugnay sa panibagong misyong kakaharapin kasama si Archbishop dela Cruz.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,301 total views

 5,301 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,888 total views

 21,888 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,257 total views

 23,257 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,918 total views

 30,918 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,422 total views

 36,422 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top