335 total views
August 24, 2020
Nanawagan sa mamamayan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging mapagmatyag sa anumang tangka ng paniniil sa demokrasya at karapatan ng mamamayan.
Ito ang tugon ni NASSA/Caritas Philippines National Director Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa planong pagtatatag ng isang revolutionary government ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa Obispo, bukod sa hindi nakatutulong sa kasalukuyang suliranin ng bansa mula sa COVID-19 pandemic ang plano ay tuluyan nitong masisira ang istraktura ng kasalukuyang pamahalaan.
Iginiit ni Bishop Bagaforo na kung tunay na may malasakit at pagmamahal ang Pangulo sa mamamayang Filipino ay mas pagtuunan nito ng pansin ang paglilingkod sa taumbayan upang matugunan ang suliraning dulot ng pandemya sa bansa.
“Declaring a revolutionary government will only bring chaos to an already beleaguered administration. It will not solve the problems we are facing but instead use the Filipino people as pawns to justify vested interests. If the President truly cares about the country he vowed to serve, he should focus on solving imminent problems and get back to real work which is piling up.”pahayag ni Bishop Bagaforo.
Pinaalalahanan rin ng Obispo ang mamamayan na maging maingat at mapagbantay mula sa mga fake news at maling impormasyon na ipinapalaganap kaugnay sa tunay na sitwasyon ng bansa.
Hinimok ni Bishop Bagaforo ang mamamayan na hindi magpadala at magpalinlang sa fake news upang mapagtakpan ang mga pagkakamali ng pamahalaan sa pagtugon sa tunay na suliranin ng bansa sa COVID-19.
“We must not let trolls and fake news deceive us again into believing that our nation is such in turmoil that needs a drastic change in government. If anything, this is just a plot to mislead us of the blunders of the government’s COVID-19 response.” Dagdag pa ng Obispo
Umaasa rin ang Obispo na maging bukas at malaman ng mamamayan ang kasalukuyang tunay na kalagayang pangkalusugan ni Pangulong Duterte.
“It is also important at this point for the president to truthfully disclose his state of health. Not for his successor and critics to benefit from, but for Filipinos to be assured that we have a sound, fit-to-rule executive, able to carry-out decisions with the best of intentions for the Filipino people at heart.” paliwanag Bishop Bagaforo.
Naunang kinondena ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila at Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang pagsusulong revolutionary form of government na labag sa Saligang Batas at isang pagtataksil sa bayan.
Read:
https://www.veritas846.ph/pagsusulong-ng-revolutionary-government-pagtataksil-sa-bayan/
https://www.veritas846.ph/opisyal-ng-cbcp-no-sa-revolutionary-form-of-government/