Obispo, humiling ng panalangin sa magkasunod na pagsabog sa Jolo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 922 total reads

August 24, 2020

Kinundina ng Apostolic Vicariate of Jolo ang dalawang magkasunod na pagsabog sa bayan ng Jolo, Sulu nitong Lunes, ika-24 ng Agosto.

Ayon kay Jolo Bishop Charlie Inzon, OMI, higit na kinakailangan ngayon ng mamamayan ng Jolo ang panalangin upang tuluyang magwakas ang mga ganitong uri ng karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng indibidwal.

Umapela rin ang Obispo sa bawat isa na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng magkahiwalay na pagsabok at pinayuhan ang mamamayan na manatiling kalmado at mapagmatyag sa mga nangyayari sa bayan.

“Sa pangyayari na naman dito ngayon ay kinakailangan ng dasal para maiwasan yung mga ganitong pangyayari at saka dapat ipagdasal din yung mga naging biktima, yun yung dapat nating gawin at sa mga tao din maging kalmado pa din”.panawagan ni Bishop Inzon

Batay sa inisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP) naganap ang unang pagsabog sa bahagi ng Plaza Rizal sa tapat ng Paradises Grocery, Barangay Walled City, Jolo Sulu bago mag-alas-dose ng tanghali.

Nagmula ang pagsabog sa isang nakaparadang motorsiklo na nilagyan ng maraming improvised explosive device (IED) kung saan katabi nito ang isang 6×6 M35 military truck ng mga kawani ng 21st Infantry Batallion ng Philippine Army na katatapos lamang sa lingguhang pamimili.

Naganap naman ang ikalawang pagsabog pasado ala-una ng hapon sa hindi kalayuan ng lugar habang nagsasagawa ng ‘sweeping’ ang mga otoridad sa naganap na unang pagsabog.

Sa tala, siyam na indibidwal na ang nasawi sa insidente kabilang na ang limang sundalo at apat na sibilyan habang 17 ang sugatan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,845 total reads

 15,845 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,948 total reads

 74,948 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 160,315 total reads

 160,315 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 207,051 total reads

 207,051 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,922 total reads

 254,922 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 355,219 total reads

 355,219 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top