Jolo bombing, kinondena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

August 25, 2020-7:39am

Mariing kinondina ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference ang panibagong ‘act of terrorism’ na naganap sa bayan ng Jolo, Sulu.

Ayon kay NASSA/Caritas Philippines Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi katanggap-katanggap ang anumang uri ng karahasan na bumibiktima sa mga inosenteng mamamayan at nagdudulot ng takot sa pamayanan.

Ito ang tugon ng social action arm ng CBCP kaugnay sa dalawang magkasunod na pagsabog na naganap sa Jolo, Sulo noong ika-24 ng Agosto.

Nanawagan rin si Bishop Bagaforo sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) upang higit pang paigtingin ang pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan.

Umapela naman ng panalangin ang Obispo hindi lamang para sa kaligtasan at kapanatagan ng loob ng mga mamamayan ng Jolo kundi para sa mga biktima ng magkasunod na pagsabog.

“We call on the BARMM govt exert all efforts for peace and security in their areas. We abhor this atrocities. We appeal for prayers for people of Jolo especially those who died and are injured. We denounce this act of terrorism,” ang bahagi ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ang unang pagsabog ay naganap bago mag-alas-dose ng tanghali sa pamamagitan ng vehicle-borne improvised explosive device kung saan kinabitan ng maraming pampasabog ang isang motorsiklo na itinabi sa 6×6 military truck mga sundalo na nasasagawa ng lingguhang pamimili.

Ang ikalawang pagsabog naman ay naganap ala-una ng hapon sa pamamagitan naman ng isang babaeng suicide bomber na tinutukoy pa ang pagkakakilanlan.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), hindi bababa sa 12 katao ang nasawi sa dalawang pagsabog habang 34 naman ang sugatan na kinabibilangan ng mga sundalo at sibilyan.

Una ng kinondina ng Apostolic Vicariate of Jolo ang nangyaring karahasan at umapela ng panalangin para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan sa Sulu.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,942 total reads

 14,942 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,449 total reads

 73,449 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,816 total reads

 158,816 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,552 total reads

 205,552 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,423 total reads

 253,423 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,797 total reads

 353,797 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top