Pagsusulong ng revolutionary government, pagtataksil sa bayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 811 total reads

August 24, 2020

Kinundina ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang planong pagtatatag ng isang revolutionary government ng ilang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo, maituturing na pagtataksil sa bayan ang naturang hakbang na wala namang sapat na dahilan at isang tahasang paglabag sa Saligang Batas ng Pilipinas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na pamamaraan lamang ito upang mapanatili sa kapangyarihan ang mga nasa posisyon na isang tahasang paglabag sa Konstitusyon at hindi rin napapanahon sa gitna ng pandemyang kinahaharap ng bansa dulot ng COVID-19.

Inihayag ng Obispo na dapat manaig at sundin ng mga Filipino ang Saligang Batas ng bansa kung saan nasasaad dito ang succession of powers at iba pang probisyon na naglalayong maiwasan ang muling paniniil sa kalayaan at mga karapatan ng mga mamamayan.

“Tayo po ay may Konstitusyon at dapat tayo sumunod sa Konstitusyon kaya ang Revolutionary Government na gusto nilang ituon ibig sabihin tanggalin yung Konstitusyon at hindi tama yun, wala namang dahilan at ang nakikita natin itong Revolutionary Government na gusto nila ay paraan lamang yan na magpapanatili sa kanilang kapangyarihan na hindi dapat may check in balances tayo at ganun din kailangan din natin na nakalagay naman sa Konstitusyon ano yung succession of powers hindi ayon sa gusto nila.” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin rin ng Obispo na bukod sa pagtataksil sa bayan ay hindi rin makatarungan at maituturing ding immoral ang planong pagtatag ng isang revolutionary government na naglalayong patalsikin ang kasalukuyang gobyerno at muling maitalaga ang pangulo bilang pinuno nito.

“Kaya yan po ay hindi makatarungan at yan ay immoral na ganyan ang ipagagawa, that is seditious, that is being a traitor to the country…“ Dagdag pa ni Bishop Broderick Pabillo.

Ika-22 ng Agosto ng magkaroon ng pagtitipon ang Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee sa Clark Freeport na nagsusulong sa pagtatatag ng revolutionary government.

Iginiit naman ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ang revolutionary government sa halip ay tutukan ang COVID-19 pandemic.

Read: https://www.veritas846.ph/opisyal-ng-cbcp-no-sa-revolutionary-form-of-government/

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 17,471 total reads

 17,471 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 77,655 total reads

 77,655 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 163,022 total reads

 163,022 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 209,758 total reads

 209,758 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 257,629 total reads

 257,629 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 357,785 total reads

 357,785 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top