Opisyal ng CBCP, NO sa revolutionary form of government

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 692 total reads

August 24, 2020

Nanindigan si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad na hindi nararapat ang rebolusyonaryong uri ng pamahalaan sa Pilipinas kundi mas higit na linangin ang demokrasyang pamamahala sa bansa.

Ito ang tugon ng arsobispo na bahagi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Permanent Council sa isinusulong na revolutionary form of government ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).

Iginiit ni Archbishop Jumoad na dapat tutukan ang pagtugon sa COVID-19 pandemic sa halip na baguhin ang kasalukuyang uri ng pamahalaan ng Pilipinas.

“No to revolutionary form of government. Besides, we are in the midst of Pandemic and the government is still functioning; Democracy is still the option even in this moment where there are varied opinions being aired out,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Matatandaang nagtipon noong ika – 22 ng Agosto sa Clark, Freeport Pampanga ang People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change upang ipanawagan sa mamamayan ang revolutionary government.

Ito ay inorganisa ng MRRD-NECC, ang organisasyong humimok kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo noong 2016 elections.

Panawagan ni Archbishop Jumoad sa mga Filipino na iwasan ang pagkakahati-hati sa halip ay magkaisa at magtulungan lalo’t nahaharap sa matinding suliranin ang bansa dulot ng pandemya.

“Let us not contribute the sinking of the boat of the government even if we are sailing in rough seas,” ayon sa arsobispo.

Binigyang diin ng opisyal ng CBCP na malaking kakulangan sa pamamahala sa bansa ang pagpapatupad sa mga batas na sinasaad sa konstitusyon at ang mahinang justice system na karamihan sa mga apektado ay ang mga nasa laylayan.

Hamon ni Archbishop Jumoad sa punong ehekutibo na tanggalin sa puwesto ang mga tiwaling opisyal gayundin ang gumagawa ng mga iligal na gawain sa mga ahensya ng gobyerno, alinsunod sa kanyang pangako noong halalan.

“Pres. Rodrigo Duterte must clean his cabinet and terminate them if they are found to be corrupt officials. The same is true with those officials in other agencies who are suspect of illegal activities,” dagdag pa ni Archbishop Jumoad.

Tiniyak naman ng Philippine National Police at ng Department of National Defense na hindi nila suportado ang revolutionary government na labag sa Saligang Batas.

Sa kasalukuyan, walang malinaw na pahayag ang Malacañang sa tunay na kalagayan ng Pangulong Duterte.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 24,155 total reads

 24,155 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 44,699 total reads

 44,699 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 120,767 total reads

 120,767 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 206,137 total reads

 206,137 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 252,873 total reads

 252,873 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 300,744 total reads

 300,744 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 398,586 total reads

 398,586 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top