DSWD, nakahandang makipagtulungan sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,161 total views

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development – National Authority for Child Care (DSWD-NACC) ang kahandaang makipagtulungan sa simbahang katolika upang higit na mapalaganap ang adbokasiya sa legal adoption at pagsugpo sa online baby selling.

Ito ang tiniyak ni NACC Deputy Executive Director for Operations and Services Rowena Macalintal sa pagdiriwang ng Adoption and Alternative Child Care Week.
Aminado si Macalintal na kinakailangan ang tulong ng simbahan sa pagtataguyod ng ikakabuti at kapakanan ng mga batang inaabuso, inabanduna at nauulila.

“Kailangan po natin ng tulong ng lahat ng mga sektor ng ating lipunan para sama-sama pong labanan ang lahat ng uri ng illegal adoption mapa-independent placements, pagta-tamper po ng birth certificates, online baby selling yan po yung mga palasak ng mga uri ng illegal adoption na nangyayari ngayon at yan po ay sama-samang lalabanan,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Macalintal.

Kailangan din ng NACC ang tulong ng iba pang sektor at mga Non-Government Organizations (NGOs) upang higit na mapalawig ang pagtulong sa mga bata o sanggol na makahanap ng mapagmahal na tahanan.

Katuwang sa paglaban sa illegal adoption ay ang Philippine National Polices Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).
Hinimok ng NACC ang concerned citizens na magpapunta at inulat sa mga Regional Alternative Child Care Offices ang mga pang-aabuso upang malabanan ang online baby selling at online child trafficking.

Inihayag naman ni PNP Women and Children Protection Center Assistant Chief Police Colonel Isagani Fetizanan na bukas ang mga hotlines ng PNP tulad ng 9-1-1 at mga number sa Globe bilang 0-9-6-6-7-2-5-5-9-6-1 at Smart bilang 0-9-2-0-9-0-7-1-7-1-7 upang tumanggap ng mga sumbong laban sa Online Baby Sellers at Child Traffickers.
Naunang nanawagan si Pope Francis na labanan ang human trafficking at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga bata dahil sila ay biyaya ng Panginoon habang isinusulong ng CBCP ang sama-samang pagkilos laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan higit na ang child trafficking.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 62,015 total views

 62,015 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 95,097 total views

 95,097 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 123,448 total views

 123,448 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 191,180 total views

 191,180 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 210,014 total views

 210,014 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top