Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dugo sa kamay ng mga pulis

SHARE THE TRUTH

 57,269 total views

Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan ng mga tiwali. Si Fr Villanueva ay isa sa mga nagpasimula ng mga programang tumutulong sa mga pamilyang naulila ng mga pinatay sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon. Ang kanyang Program Paghilom ay nagbibigay ng suporta sa mga magulang, asawa, at anak ng mga itinuturing na salot sa ating lipunan at, sa mata ng dating lider at kanyang mga tagasunod, dapat lamang na pagpapatayin. Noong Mayo nga, binuksan ng kanyang grupo ang “Dambana ng Paghilom” sa La Loma Cemetery para mabigyan ng disenteng himlayan ang mga kapatid nating hindi binigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili sa harap ng batas.

Sa isang interview dito sa Veritas, sinabi ni Fr Villanueva na maitutuwid ni Lt Col Espenido (at ng iba pang mga pulis) ang pagtingin sa PNP bilang “biggest crime group”, mga salitang galing mismo sa koronel. Sa isang pagdinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, inamin ni Lt Col Espenido na may “quota” ang mga pulis at may “reward system” din. Sa isang araw, ang bawat pulis ay inaasahang i-tokhang (o kumatok sa bahay at kumausap) ng 50 hanggang 100 na pamilyang may miyembrong hinihinalang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit alam naman nating marami sa mga pag-tokhang na ito ay nauwi sa marahas na pagdakip o kaya naman ay pagpatay sa mga diumano’y nanlalaban sa mga pulis. Sangkot naman daw ang mga lokal na pamahalaan sa reward system kung saan binibigyan ang mga pulis ng perang pabuya para sa bawat matagumpay na buy-bust operation. May reward din daw kapag ang napatay ay nasa watch list.

Ang ikinalulungkot ni Lt Col Espenido, may mga kasamahan siyang inabuso ang ganitong kalakaran sa PNP. Para lang makatanggap ng pera, hindi nila alintanang pumatay ng mga pushers at users. (Kung inyong matatandaan, si Lt Col Espenido ay ang hepe ng PNP sa bayan ng Albuera sa Leyte nang patayin sa loob ng selda ang drug suspect na si Mayor Rolando Espinosa. Inilipat siya sa Ozamiz kung saan ang mga drug operations sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nauwi sa pagkakapatay kay Mayor Reynaldo Parojinog at labinlimang iba pa.)

Sa tala ng gobyerno, may anim na libong kababayan natin ang namatay sa mga lehitimong drug operations ng mga pulis. Para sa mga human rights groups at NGO, aabot sa 30,000 ang bilang ng mga biktima ng war on drugs. Alinmang datos ang gamitin natin, may dugo sa mga kamay ng ating kapulisan. Handa ba si Lt Col Espenido na linisin ito?

“Ang taong laging gumagawa ayon sa katuwiran, mga salita’y bukal sa loob at pawang katotohanan,” wika nga sa Mga Awit 15:2. Naniniwala tayong may mga tagapagpatupad ng ating batas na kayang manindigan, hindi lamang para sa katotohanan kundi para sa dignidad ng mga taong sinumpaan nilang paglingkuran. Kasama ang mga pulis sa mga itinuturing ng Catholic social teaching na Pacem in Terris na may lehitimong awtoridad upang mapanatili ang mga institusyon ng lipunan at upang magtrabaho para pangalagaan ang ikabubuti ng lahat. Dapat itong ipaalala lagi sa kanila at iba pang lingkod-bayan.

Mga Kapanalig, nananalig tayong mananaig ang katotohanan at mabibigyan ng katarungan ang mga kababayan nating biktima ng war on drugs. Mangyayari ito kung magiging matapang lamang ang ating kapulisan at magiging tapat sila sa tungkulin nilang “to serve and protect.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Deserve ng ating mga teachers

 6,157 total views

 6,157 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 56,481 total views

 56,481 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 65,957 total views

 65,957 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 65,373 total views

 65,373 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »

18,271 positions

 78,298 total views

 78,298 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 6,158 total views

 6,158 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 56,482 total views

 56,482 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 65,958 total views

 65,958 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 65,374 total views

 65,374 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 78,299 total views

 78,299 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 94,123 total views

 94,123 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 79,490 total views

 79,490 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 67,081 total views

 67,081 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 79,683 total views

 79,683 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 74,996 total views

 74,996 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 79,929 total views

 79,929 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 130,489 total views

 130,489 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 135,648 total views

 135,648 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 115,839 total views

 115,839 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 65,521 total views

 65,521 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top