Duterte in many ways is acting like a local town mayor-Fr. Aquino

SHARE THE TRUTH

 208 total views

Inihayag ng Dean ng San Beda College Graduate School of Law na kumikilos pa rin ang Pangulong Rodrigo Duterte na tila alkalde ng isang bayan.

Dahil dito, ayon kay Fr. Ranhillo Aquino, ‘incomplete’ ang gradong ibinigay niya sa Pangulo kaugnay ng 100 araw na panunungkulan nito.

Binanggit din ng pari na malaki ang suliranin ngayon ng bansa sa usapin ng foreign policy at sa pagnenegosyo dahil maraming dayuhang mamumuhunan ang umaalis.

“Incomplete ang ibibigay ko, this is always be my concern, no doubt the president is eager regarding sa droga and corruption but nakaligtaan ang maraming importanteng mga aspekto ng national life, in other words what I predicted before is coming through that our president in many ways is acting like a local town mayor and has not yet made the necessary transition to be national leader, for example our foreign policy is a mess now that is very dangerous one more thing because of convicting signals sa Malacanang ang nagyayari there is some instability in the market and investors are afraid to come to the Philippines,” ayon kay Fr. Aquino sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, pinuri naman ng pari si Pangulong Duterte sa kampanya nito laban sa iligal na droga at katiwalian kasabay ng pagsasabing marami namang naging accomplishment ito.

“In fact he has accomplished a lot that previous president did not accomplished, he assured himself very courageous, but there is so much he did not attend to,” ayon pa kay Aquino.

Kaugnay nito, binigyang diin ng Malacañang ang malaking epekto ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga kung saan sa tala ng Philippine National Police, nasa 31-porsyento na ang ibinaba ng krimen sa bansa kumpara noong nakalipas na taon habang bumaba rin sa halos 90-porsyento ang supply ng ilegal na droga sa bansa.

Una ng kumilos ang Simbahang Katolika upang matulungan ang gobyerno sa mga sumukong drug addicts at users na nasa higit 712,000 sa pamamagitan ng community based rehabilitation program nila kasama na ang pagbibigay ng spiritual and moral formation upang sila ay makapag-bagong buhay.

Sa social doctrine of the church, kinakailangan ang bawat estado ay pinapatakbo ng matitinong lider para sa ikauunlad ng nakararami gaya ng mahihirap mula sa serbisyo-publiko ng mga nasa gobyerno.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,269 total views

 80,269 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,273 total views

 91,273 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 99,078 total views

 99,078 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,317 total views

 112,317 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,816 total views

 123,816 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,506 total views

 94,506 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,417 total views

 90,417 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top