Ecumenical Bishops Forum, dismayado sa Martial law extension

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 489 total views

Nadismaya ang Ecumenical Bishops Forum sa pagkatig ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso sa 1-year extension ng umiiral na Batas Militar sa Mindanao.

Ayon kay Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iniguez – Chairman ng Ecumenical Bishops Forum, kinakailangan muling pag-aralan ang lahat ng salik sa isang taong pagpapalawig sa Martial Law bago ito tuluyang ipatupad.

Iginiit ng Obispo na hindi pa rin nasasagot ang maraming katanungan ng mamamayan sa implementasyon ng batas militar ay muli na namang pinalawig.

“Ating kinalulungkot na ang Martial Law ay inextend ng isang taon sapagkat atin ngang kunukwestyon ang legality ng paglalapat ng Martial Law sa sitwasyong ito sa ating bansa. So ito ay isang bagay na dapat na pag-aralan ng husto, totoong may mga pagkakataon na kailangan ng Martial Law pero kung yan ang sitwasyon ng ating bansa ngayon, kailangang pag-aralan ng husto…” pahayag ni Bishop Iniguez panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ng Obispo na hindi makita ng maraming mamamayan ang pangangailangan ng bansa o ng rehiyon ng Mindanao sa martial law matapos ang mahigit limang buwang bakbakan sa Marawi.

“Para itong isang napakabiglang desisyon na kinakailangang higit na mapag-aralan para makita na ang Martial Law ay isang sitwasyon na hindi kinakailangan ng ating bansa sa pagkakataong ito, marami ang hindi makatanggap…” paglilinaw ng Obispo

Nilinaw naman ni Father Ranhillo Aquino, dean ng San Beda College Graduate School of Law na hindi batayan sa martial law extension ang bantang pag-atake ng rebeldeng komunista.

Read: Terror attack ng CPP-NPA, hindi pamantayan sa Martial law extension

Sa boto na 240-Yes, 27-No at walang abstention ay inaprubahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagpapalawig ng Batas Militar sa Mindanao mula January 1, 2018 hanggang December 31, 2018.

Naninindigan ang Santo Papa Francisco na digmaan ang tugon sa anumang hindi pagkakaunawaan kundi ang payapang pag-uusap lalut kamatayan at pagkasira ang dulot ng kaguluhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,968 total views

 49,968 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,837 total views

 45,837 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 82,039 total views

 82,039 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,675 total views

 90,675 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,776 total views

 115,776 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top