Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EDSA 1 anniversary, huwag gawing political agenda

SHARE THE TRUTH

 212 total views

Umaapela ang isang dating reporter at anchorman ng Radyo Veritas noong 1986 People Power Revolution o EDSA-1 na huwag gawing political agenda ang ginawang pagtitipon-tipon at pagkakaisa ng taongbayan para makamtan ang kalayaan mula sa diktaduryang Marcos 31-taon na ang nakakalipas.

Binigyan diin ni Bro. Efren Dato na ang people power revolution o tinaguriang “bloodless revolution” ay nagtagumpay hindi para lamang sa isang partido o grupo at mga political personalities kundi dahil sa pagnanais ng taongbayan na magkaroon ng pagbabago.

“Hindi iyan political party, bida diyan ang panginoon Diyos at ang taongbayan.”giit ni Bro. Dato sa panayam ng Radio Veritas.

Naniniwala si Dato na dapat pa ring gunitain ang naganap na people power at huwag itong balewalain dahil lamang sa isyu ng pulitika.

“Kasi buong bayan yan, hindi yan Liberal Party, kaya dapat taon-taong yang pinagdiriwang kasi tumugon ang taongbayan na ang nais nila kalayaan, mapayapang pagbabago, kaya dapat ipinagdiriwang at ipagpatuloy ang kulturang pagbabago sa bansang Pilipinas hindi dapat tinitingnan yan as a political event.”paninindigan ni Dato.

Ginunita ni Dato kung paanong pinagsama-sama ng Simbahang Katolika ang sambayanang Pilipino at nakibahagi sa iisang layunin para makamit ang pagbabago sa kamay ng isang diktador.

“Malaki ang naitulong ng [Simbahang] Katolika lalo na sa leadership ng yumaong [Jaime] Cardinal Sin at mga Obispo [Catholic Bishops’ Conference of the Philippines] at lahat ng kaparian, lahat ng mga Layko na tumugon sa isang mapayapang pagbabago.”paglilinaw ni Dato.

Ang himpilan ng Radyo Veritas ang nagsilbing tinig ng mga kaganapan sa People Power Revolution at nagpakilos sa mga Pilipino na magkaisa at manindigan sa pamamagitan ng panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Read: http://www.veritas846.ph/history/

Ikinadismaya rin ng dating priest broadcaster ang hindi pagbibigay halaga ng kasalukuyang administrasyon sa ika-31 anibersaryo ng EDSA-1 kung saan 1-milyong piso lamang ang inilaang budget sa selebrasyon sa ika-25 ng Pebrero,2017.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,934 total views

 34,934 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 46,064 total views

 46,064 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,425 total views

 71,425 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,796 total views

 81,796 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,647 total views

 102,647 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,376 total views

 6,376 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 60,765 total views

 60,765 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 86,580 total views

 86,580 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 127,719 total views

 127,719 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top