Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtatanggol ng Simbahan sa buhay, pinuri ng human rights advocate

SHARE THE TRUTH

 264 total views

Pinuri ng dating pinuno ng Kagawaran para sa Karapatang Pantao ang ginawang pangunguna ng Simbahang Katolika sa isinagawang Walk For Life noong Sabado ika-18 ng Pebrero sa Quirino Grandstand.

Ayon kay dating Commission on Human Rights chairperson Etta Rosales, naangkop lamang ang aktibong hakbang at pagkilos ng mga lider ng Simbahang Katolika na nagsilbing gabay at pag-asa sa mga mamamayang pinanghihinaan at nawawalan ng tiwala para sa kinabukasan ng bansa.

Iginiit ni Rosales na ang presensya ng Simbahan ay lubhang kinakailangan sa kasalukuyang sitwasyon ng bayan upang muling ibalik ang moralidad at paggalang sa kasagraduhan ng buhay.

“Ang mga Bishops and Archbishops tama lang yung ginawa nila narito sila sa gitna ng mga mamamayan at yun dapat lagi diba, kaya pagtiniyak natin na mas palakasin natin ang ganitong ugnayan at presensya ng Simbahan sa gitna ng mga mamamayan palagay ko, ito na ang pag-asa ng taumbayan, dito tayo makakakuha ng lakas sa pamamagitan ng ating pagsasama-sama sa Simbahan at ganun din sa pagpapatupad ng batas, lalong lalo na ang karapatang pantao…”pahayag ni Rosales sa Radio Veritas.

Tinatayang aabot sa higit 20,000-indibidwal mula sa 17 mga diyosesis sa bansa ang nakiisa sa isinagawang Walk For Life na isang pagpapakita ng paninindigan ng bawat mananampalataya sa pagsusulong sa kasagraduhan ng buhay.

Kaugnay nito, magsasagawa din ng “walk for life” ang Archdiocese ng San Fernando Pampanga sa ika-25 ng Pebrero, kaalinsabay ng anibersaryo ng EDSA people power 1 revolution.

Layunin ng hakbang na lalong patatagin ang paninindigan at pagtatanggol sa buhay.

Read: http://www.veritas846.ph/save-lives-lakad-laban-sa-karahasan/

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Labanan ang structures of sin

 7,695 total views

 7,695 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 18,673 total views

 18,673 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 52,124 total views

 52,124 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 72,581 total views

 72,581 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 84,000 total views

 84,000 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 7,604 total views

 7,604 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 8,224 total views

 8,224 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top