Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EDSA KWARENTA: Simbahan at mga Paaralang Katoliko, iginiit na ang demokrasya ay dapat na ipinaglalaban

SHARE THE TRUTH

 1,975 total views

Sa nalalapit na paggunita ng bansa ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, muling pinaalalahanan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catholic Education (CBCP_ECCE) ang sambayanang Pilipino na ang demokrasya ay hindi kusang nananatili, kundi ito ay patuloy na ipinaglalaban.

Sa inilabas na magkasanib na pahayag, binalikan ng Simbahan ang makasaysayang pagtitipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kung saan milyun-milyong Pilipino ang nagkaisa sa panalangin, pananampalataya, at paninindigan upang wakasan ang diktadura.

“Forty years later, the lessons of EDSA remain urgent. Democracy is never self-sustaining. It demands vigilance, active participation, and fidelity to truth. Governance must be anchored in accountability, respect for human rights, transparency, and service to the common good,” ayon sa nagkakaisang pahayag ng CEAP at CBCP-ECCE.

Inalala rin ang mahalagang papel ng Radio Veritas na tumawag sa konsensiya ng bayan, ang moral na pamumuno ni Cardinal Jaime Sin at ng CBCP, at ang desisyon ng mga repormistang sundalo na piliin ang Konstitusyon kaysa sa rehimen.

“We remember the voice of Radio Veritas calling the nation to conscience, the moral leadership of Cardinal Jaime Sin and the CBCP, and the decisive stand of reformist soldiers who chose loyalty to the Constitution over allegiance to a regime. EDSA was a “Rosary miracle,” a triumph of peaceful resistance over dictatorship, and a defining moment when ordinary citizens and families, religious leaders, members of civil society, students, and youth leaders stood between tanks and violence, armed with a collective will,” ayon sa pahayag.

Tinawag ang EDSA bilang isang “Rosary miracle,” isang tagumpay ng mapayapang paglaban sa karahasan at pang-aapi, kung saan karaniwang mamamayan—mga pamilya, kabataan, relihiyoso, at lider ng civil society—ang humarang sa mga tangke, tangan lamang ang lakas ng nagkakaisang bayan.

Binalaan din ang publiko na ang paglimot sa mga aral ng Batas Militar, ang pagpapabaya sa katiwalian, at ang paglaganap ng historical distortion at disinformation ay tuwirang nagbabanta sa mga kalayaang mapayapang ipinaglaban ng sambayanan.

February 25-bilang academic holiday

Bilang bahagi ng paggunita, nanawagan ang CEAP at CBCP-ECCE sa lahat ng Katolikong paaralan at institusyong pang-edukasyon na ideklara ang Pebrero 25 bilang academic holiday para sa pagninilay, pag-alala, at paghubog ng kamalayang sibiko. Hinikayat ang pagdaraos ng mga banal na misa, youth forums, at mga talakayan ukol sa pagtatanggol sa katotohanan at katarungan.

Iginiit na ang kabataan, bilang tagapagmana ng demokratikong espasyo, ay kailangang linangin ang kaalaman, pagpapahalaga, at lakas ng loob upang labanan ang inhustisya, maling impormasyon, at mga tendensiyang awtoritaryan. Kasabay nito, hinikayat ang civil society at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao na ipagpatuloy ang pagbabantay sa kalayaang sibil, at ang media na ipagtanggol ang press freedom at makatotohanang pamamahayag bilang pananggalang laban sa abuso ng kapangyarihan.

Nanawagan din ang Simbahan sa militar at pulisya na manatiling tapat sa kanilang tungkuling konstitusyonal na protektahan ang mamamayan at ang batas; sa sektor ng negosyo na isulong ang etikal at transparent na pamumuhunan; at sa mga pamilya at pamayanan na ituro sa susunod na henerasyon ang mga pagpapahalaga ng pagkakaisa, di-karahasan, at makabuluhang pakikilahok.

Hinimok din ang Kongreso at Senado na kumilos laban sa political dynasties, wakasan ang malawakang katiwalian, at palakasin ang people empowerment sa pamamagitan ng matatag na pamumuhunan sa edukasyon.

Ayon pa sa pahayag, “EDSA is not only a commemoration, it is an unfinished movement that demands vigilance, active participation, and collective resolve from all sectors. To honor it authentically is to combat revisionism, defend democratic principles, and build a nation where justice, dignity, and peace are lived realities.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 31,167 total views

 31,167 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 49,516 total views

 49,516 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 67,800 total views

 67,800 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 222,777 total views

 222,777 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 267,224 total views

 267,224 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagbabago sa Traslacion 2027, inaasahan

 64,493 total views

 64,493 total views Tiniyak ng pamunuan ng Quiapo Church ang pagkakaroon muli ng pagbabago sa gagawing pagdiriwang ng Traslacion ng Nuestro Padre Jesus Nazareno para sa

Read More »

2026 national budget, nilagdaan ni PBBM

 54,806 total views

 54,806 total views Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PHP6.793 trillion National budget para sa taong 2026. Ginanap ang paglagda sa General Appropriations

Read More »
Scroll to Top