Edukasyon at ang ating kinabukasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 937 total reads

Kapanalig, tayong mga Filipino ay naniniwala na ang edukasyon ay susi sa kaunlaran. Pamana nga itong itinuturing ng maraming pamilya sa ating bayan. Kaya lamang, habang tumatagal, ang pamanang ito ay kumukupas na. Tila marami na rin ang nagiging cycnical o mapang-uyam ukol sa edukasyon sa Pilipinas. Bakit kaya?

Marami ang nakakaramdam, lalo ngayong nagkaroon ng mas malawak na digital divide dahil sa pandemya, na ang edukasyon ay isang pribilehiyo na lamang. Kahit kasi sa mga public schools ngayon, mas mahirap na mag-aral, kahit pa modular ang napili na mode of learning. Dati rati kasi, ang mga guro ay tutok sa pag-aaral ng bata. Ngayon, mas nakasalalay na, lalo sa mga pampublikong paaralan, ang mga bata sa magulang para matuto. At sa bahay, kadalasan walang oras makapagturo ang magulang, at kung meron man, marami ang bitin naman sa kaalaman para gawin ito.

Nitong nakaarang mga taon, malaki ang naging learning losses ng mga kabataan.  Ang learning losses na ito ay hindi lamang ukol sa mga araling hindi nila natutunan ngayon. Kasama rin dito ang kikitain nila sa kanilang buhay sa kalaunan. Ayon nga sa isang pag-aaral ng ADB, ang mga learning learning losses sa Asya ay mula  8% sa Pacific kung saan ang karamihan sa mga paaralan ay nanatiling bukas, hanggang sa 55% sa Timog Asya, kung saan ang pagsasara ng paaralan ay pinakamatagal. Ang mga learning losses na ito ay magbabawas sa pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa hinaharap at sa kanilang panghabambuhay na kita. Tinatayang nasa $1.25 trilyon ang present value ng mga learning losses na ito para sa buong Asya. Katumbas na ito ng 5.4% ng 2020 GDP ng rehiyon.

Ang online learning kapanalig, ay makakatulong sa pag-ampat o pagpa-gaan ng learning losses na ito, kaya lamang kailangang may maayos na digital infrastructure, online content, at digital learning materials ang mga paaralan, guro, at mga mag-aaral.  Malaki na ang pagbabago sa estado ng ating Internet, kaya lamang, ang mga malalayo at hirap na abutin na lugar sa ating bayan ay dehado pa rin.

Kapanalig, sana sa pagbabalik ng ating mga mag-aaral sa paaralan ay patuloy  pa rin nating tugunan ang digital divide sa bansa. Ang mga krisis gaya ng pandemya ay posible pang mangyari ulit. Ang makailang learning losses pa o pagkalugi sa pag-aaral ay hindi na kakayanin ng mga mag-aaral sa ngayon at sa darating pang panahon. Malinaw na ang edukasyon ngayon ay kabuhayan hindi lamang ng mga bata sa kalaunan, kundi ng bayan.  Huwag nating hayaang maging pribelihiyo na lamang ang edukasyon. Kapanalig, ang pribelihiyo ng iilan, lalo na sa edukasyon, ay maaring ikabagsak ng ating buong bayan. Ang Pilipinas ay hindi para sa mayaman lamang. Ayon nga sa Evangelii Gaudium: The dignity of the human person and the common good rank higher than the comfort of those who refuse to renounce their privileges. When these values are threatened, a prophetic voice must be raised.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,637 total reads

 28,637 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,704 total reads

 112,704 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 207,035 total reads

 207,035 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,721 total reads

 268,721 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 313,063 total reads

 313,063 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 28,638 total reads

 28,638 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 112,705 total reads

 112,705 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 207,036 total reads

 207,036 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 268,722 total reads

 268,722 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »
Scroll to Top