Pananalangin ng “oratio lipensis” sa kaligtasan ng Taal volcano residents, hiniling ng Archdiocese of Lipa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 794 total reads

Umabot na sa higit-1000-pamilya o 4,000 indibidwal ang mga nagsilikas at kasalukuyang nasa evacuation center sa Agoncillo, Batangas bunsod ng muling pagliligalig ng bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director Father Jayson Siapco, patuloy na binabantayan ng komisyon ang kalagayan ng bulkan gayundin ang pagsasagawa ng rapid assessment upang alamin ang kalagayan at pangangailangan ng mga nagsilikas.

“May mga ahensya at iba’t ibang grupo na ang nakikipag-coordinate sa aming opisina pagdating sa ating mga possible responses sa ating Taal Volcano evacuees. Ngayon ang team ng Malasakit para sa Batangas ay nagtungo sa Laurel at Agoncillo para sa kanilang assessment,” pahayag ni Fr. Siapco.

Nangangailangan naman ang mga evacuees ng N95 face masks, pagkain at tubig, mga gamot, folding beds, hygiene kits, at diaper.

Kasalukuyang nakataas sa Alert Level 3 o magmatic unrest ang Taal Volcano kasunod ng phreatomagmatic eruption nito.

Pinag-iingat naman ng PHIVOLCS ang publiko lalo na ang mga residenteng nasa loob ng 5-kilometer radius mula sa bulkan na agad nang magsilikas para na rin sa kaligtasan sa mga posible pang mangyari sa mga susunod na araw.

Mas pinaigting din ng ahensya ang pagbabawal sa pagpasok sa Taal Volcano Island at sa mga high-risk barangay sa bayan ng Agoncillo at Laurel sa posibilidad ng panganib.

Hinikayat naman ng Archdiocese of Lipa ang pananalangin ng Oratio Lipensis para sa patuloy na kaligtasan ng lahat lalo’t higit ng Batangas sa banta ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Matatandaang January 12, 2020 nang muling sumabog ang Taal Volcano makalipas ang higit 40 taon magmula nang huli itong sumabog noong 1977.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 1,698 total reads

 1,698 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 53,811 total reads

 53,811 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 90,601 total reads

 90,601 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 123,203 total reads

 123,203 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 174,122 total reads

 174,122 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 235,748 total reads

 235,748 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 52,390 total reads

 52,390 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top