Caritas Manila, nakalikom ng 22-milyong piso sa PADAYON online concert

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total views

Nakalikom ang Caritas Manila ng mahigit sa 22 milyong piso mula sa isinagawang PADAYON: Pag-ibig, Damayan sa Pag-ahon online concert na idinaos noong ika-25 ng Marso ng taong kasalukuyan.

Sa isang post ng Caritas Manila Facebook page, inihayag nito ang pasasalamat sa mga sumuporta at nagbahagi para sa konsyerto kung saan ang nalikom na pondo ay gagamitin para sa pagpapakumpuni ng mga nasirang Simbahan sa pananalasa ng Bagyong Odette noong Disyembre ng taong 2021.

Magugunitang 10 diyosesis sa Pilipinas ang labis na naapektuhan ng Bagyong Odette dahilan upang magsagawa ng paunang relief and rehabilitation assistance ang Caritas Manila na umabot na sa 47 milyong piso.

Naniniwala si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT. Pascual na bahagi ng pagbangon ng mga naapektuhang mamamayan ang muling pagtatayo ng kanilang mga simbahan o pook dalanginan.

Ilan sa mga nagtanghal sa idinaos na online concert ay si Sarah Geronimo na nakipag duet sa kanyang mister na si Matteo Gaudacelli habang napanood din ang pag-awit ni Caritas Manila Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Napanood din ang ilang mga mang-aawit mula sa Viva na nagpahayag ng kagalakan na maialay ang kanilang talento para sa pagkakawang gawa at pagtulong sa Simbahan.

Sa panayam ng Radyo Veritas kay Diocese of Kabankalan Bishop Louie Galbines, isa sa mga diyosesis na benepisyaryo ng proyekto, nagpapasalamat sila sa biyaya ng Panginoon na magkaroon ng mga indibidwal at grupo na para sa ganitong layunin at kaisa nila sa pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.

“Through you and everyone you become the new instrument of God’s love for us, we know even in this diffuclt moments you carry our cross with us, we are not alone,” mensahe ni Bishop Galbines.

Inaasahang sa mga darating na araw ay sisimulan na ang rehabilitasyon ng mga nasirang Simbahan.

Ang himpilan ng Radyo Veritas 846, Ang Radyo ng Simbahan ay isa sa mga opisyal na media partner ng Padayon online concert.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 48,413 total views

 48,413 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 78,636 total views

 78,636 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 105,287 total views

 105,287 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 200,260 total views

 200,260 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 218,203 total views

 218,203 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,211 total views

 89,211 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top