Walang pagkakapatiran kung walang Diyos ang lipunan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Ito ang mensahe ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa nagaganap na iba’t-ibang uri ng karahasan sa mundo.

Ayon sa Obispo, ang Diyos ang gumagawa ng mga hakbang upang pagbuklurin ang sangkatauhan kaya’t nararapat lamang na gawing sentro ang Panginoon sa pamayanan.

“A godless society cannot bring about human brotherhood. Sa ating ebanghelyo ang nagsisikap na pag-isahin ang pamilya ay ang tatay. Magkakaisa tayo bilang magkakapatid kung tayo ay lalapit sa tahanan ng Ama,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Tinukoy ng Obispo ang kasalukuyang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine na dulot ng hindi pagkakasundo at pananakop sa maliliit na bansa.

Binigyang-diin ni Bishop Pabillo na walang kapayapaan kung walang pagkakasundo sa pamayanan at bukod tanging pakikipagkasundo ang makapipigil sa pagdanak ng dugo.

“Ipinadala ng Diyos ang kanyang anak upang magkaroon ng pakikipagkasundo dito sa mundo, pakikipagkasundo ng mga tao sa isa’t-isa at pakikipagkasundo ng mga tao sa Diyos. Magkakaroon ng pakikipagkasundo kung may kapatawaran,” saad pa ni Bishop Pabillo.

Kaugnay nito, muling hinimok ng opisyal ang mananampalataya na gawing makabuluhan ang panahon ng kuwaresma sa pakikipagkasundo sa kapwa tungo sa mapayapang komunidad.

Noong March 25 nakiisa ang mga simbahan sa Pilipinas sa isinagawang Pagtatalaga sa Russia at Ukraine sa Kalinis-linisang Puso ni Maria na pinangunahan ni Pope Francis.

Bago ang pagtatalaga isinagawa ang Sakramento ng Kumpisal tanda ng taos-pusong pagbabalik-loob sa Panginoon at pagsisisi sa mga kasalanan.

Sa Archdiocese of Manila pinangunahan ito ni Cardinal Jose Advincula kasama si Papal Nuncio to the Philippines Arcbishop Charles John Brown na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 18,600 total reads

 18,600 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 117,342 total reads

 117,342 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 161,610 total reads

 161,610 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 184,722 total reads

 184,722 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 258,816 total reads

 258,816 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top