Eleksyon at ang Kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 708 total reads

Kapanalig, painit na ng painit ang politika sa ating bayan ngayon. Ang presidential elections, bumabatingaw na sa ingay – sunod sunod na ang mga presidential interviews at debates. Kay iingay na rin ng mga boses ng ating mga mamamayan – kanya-kanyang depensa sa kanilang mga kandidato ngayong darating na eleksyon.

Kapanalig, ang ating aktibong pakikilahok sa proseso ng eleksyon ay nakatatak sa ating Konstituyon. Karapatan nating lahat ang pagkakaroon ng epektibo at risonableng partisipasyon sa pag-gawa ng mga desisyong panlipunan, pang-politikal, at pang-ekonomiya. Kaya ang boses natin ay mahalaga tuwing eleksyon. Tayo ang magbubuo ng balangkas ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagpili ng mga lider na kakatawan ng ating mga mithiin.

Nag-iiba ang political landscape ngayon dahil hindi tulad ng dati, hindi lamang nasa grassroots ang labanan, nasa digital platforms na rin ito. Sa katotohanan, maaring mas nakatuktok na ngayon, partikular na ang  mga national candidates, sa mga digital platforms para magkampanya. Maliban kasi sa marami na ang maabot ng mga internet ads, may banta pa rin ng COVID-19 na hindi natin maaring masawalang bahala.

Tinatayang umabot ng halos 62 milyon ang mga botante ngayong eleksyon. At sa bilang na ito, nasa 31.41 million ang edad 18-40 years old. Halos kalahati ng boto ay manggagaling sa age bracket na ito, na tinataguriang youth vote. At kapanalig, pihado na halos lahat na ito ay internet savvy, at marami sa kanila ay online. Ayon nga sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 73.9% ng mga Filipinos may edad 10 hanggang 64 ay gumagamit ng Internet para sa social media. Ayon naman sa Digital2021 Report, ang median age ng mga internet users sa ating bansa ay 25.8. Sampung oras din nakababad ang mga Filipino sa Internet, at mahigit apat na oras nito ay nasa social media. Hindi na natin matatatwa, digital na ang labanan ngayon.

Kaya kapanalig, lalo na sa hanay natin na nais magbahagi pa ng voter’s education, kailangan nating mas maging maigting din ang ating pagbabahagi ng kaalaman ukol sa pagboto.  Mas bata na ang bumubuo ng malaking bahagi ng electorate, at kailangan nating masigurado na sila ay may kakayahan at kalayaang pumili. Ang kakayahang ito ay hindi lamang para sa mga kandidato, ito ay para sa kinabukasan ng bayan.

Kapanalig, kailangan nating masigurado na hindi lamang puro ingay at pagbabatikos ang ating ginagawa sa social media. Kailangan nating masigurado na mauunawaan ng lahat na ang ingay na ito ay bahagi ng isang malalim na value o pinahahalagahan na kay dali nating laging malimutan – ang demokrasya. At ayon sa Economic Justice for All – “In a democracy, government is a means by which we can act together to protect what is important to us and to promote our common values.”  At kung ang pipiliin natin ay taliwas ang pinahahalagahan, hindi natin tunay nauunawaan o naisapuso ang saysay o esensya ng halalan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 911 total reads

 911 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,187 total reads

 32,187 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,094 total reads

 112,094 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,320 total reads

 206,320 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 266,785 total reads

 266,785 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Protektahan ang mga bata

 912 total reads

 912 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 32,188 total reads

 32,188 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 112,095 total reads

 112,095 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 206,321 total reads

 206,321 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »
Scroll to Top