Transport groups, nagpapasalamat sa suspension ng “No vaccine no ride policy”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 658 total reads

Nagpasalamat ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pagsuspindi sa “No Vaccine No Ride Policy sa Metro Manila.

Ayon kay FEJODAP National President Ricardo Rebaño, makakatulong ang hakbang ng Department of Transportation o DOTr upang makabawi sa kita ang mga Jeepney driver at operatos na nakaranas ng pagkalugi ng dahil sa pagbabawal ng anumang uri ng public transportation noong umiral ang Enhance Community Quarantine.

“Kami po ay nagpapasalamat unang una ngayong malapit ng ipatupad ang alert level 2 ay madadagdagan po yung kita kahit papano ng mga driver at operator,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Rebaño.

Pangako rin ni Rebaño ang pagsunod ng mga miyembro ng FEJODAP sa mga ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan kung saan patuloy na pangangalagaan ang kapakanan ng mga commuters, mamamayan at mga manggagawa sa transport sector.

Inihayag ni Department of Transporation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Libiran ang pagpapatupad ng Alert Level 02 status sa National Capital Region simula sa February 01 hanggang 15 kabilang ang Biliran, katimugang Leyte, Rizal Province, Cavite, Bulacan Batanes at Basilan.

Ika-17 ng Enero ng pairalan ng DOTr ang no vaccine no ride policy sa Metro Manila sa kabila ng mga naging panawagan ng ibat-ibang grupo na maari nito labagin ang karapatang pang-tao.

Unang ipinabatid ni Military Ordinariate of the Philippine Bishops Oscar Jaime Florencio sa bawat mamamayan na ang pagpapatupad ng mga patakaran na kagayang ng ‘no vaccine no ride policy’ ay pinaiiral upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng nakakarami mula sa banta ng Corona Virus Disease.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34 total reads

 34 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 31,310 total reads

 31,310 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 111,259 total reads

 111,259 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 205,485 total reads

 205,485 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 265,976 total reads

 265,976 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top