Emmaus House of Apostolate, nagpapasalamat sa tulong ng Pondo ng Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 829 total reads

Ipinagpasalamat ng Emmaus House of Apostolate ang tulong na ibinahagi sa kanila ng Pondo ng Pinoy para sa kanilang mga kinukupkop na nakatatanda.

Sa panayam kay Rev. Fr. Ruel Arcega sa segment na Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action, ibinahagi nito ang kanilang pasasalamat sa Pondo ng Pinoy matapos mapagbigyan ang kanilang kahilingan na maipaayos ang isang bahagi ng tinutuluyan ng mga nasa kanilang pangangalaga.

“Napakalaki ng tulong ng Pondo ng Pinoy dahil no’ng ako ay dumating dito, meron kaming tirahan ng mga lola na kapag umuulan sa labas ay umuulan din sa loob. ‘Yon ang naging pangunahin naming misyon – ‘yong mabigyan sila ng lugar – kasi ‘yong Emmaus almost 37 years na, ‘yon iba hindi namin naayos ‘yong kanilang ward o tirahan.”

“Kaya naglakas loob ako na sumulat sa Pondo ng Pinoy upang ‘yong aming naipon na konti ay matulungan din kami at nadagdagan ng [Pondo ng Pinoy] kaya by 2019 na approved ito at napagawa ang isang ward ng lolo at lola.” pahayag ni Fr. Arcega.

Aminado si Fr. Arcega na hindi madali para sa kanila ang pagpapatuloy ng operasyon ng Emmaus dahil na rin sa kawalan ng sapat na mapagkukunan ng pondo.

Gayunpaman, tiniyak ng Pari na sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap ay patuloy na maipapamalas ng Simbahan na hindi nito tinatalikuran ang mga inabandona lalo na ang mga nakatatanda.

“Minsan nakakalimutan natin itong mga abandoned, ang mga street children, mga walang tirahan at tinalukuran na. Kaya ang Emmaus [House of Apostolate] ay naipapadama sa mga least, last and lost na bahagi sila ng Simbahan at hindi sila tinalikuran ng Simbahan.”

“Sa [pamamagitan] ng mga volunteers natin naipapadama namin sa kanila na sila ma’y mahal ng Diyos,” dagdag pa ng Pari mula sa Diocese ng Malolos.

Patuloy na hinihikayat ni Fr. Arcega ang mga mananamplataya na suportahan ang Pondo ng Pinoy sapagkat ang bawat bente singko sentimos na naiipon ng institusyon ay nagiging daan upang matulungan ang mga mas higit na nangagailangan.

Magugunitang taong 2004 ng ilunsad ng noo’y Arsobispo ng Maynila ang programang Pondo ng Pinoy kung saan nag-iipon ng bente singko sentimos ang mga mananampalataya at ibinabahagi sa kanilang mga Parokya o Paaralan ng Simbahang Katolika.

Mapapakinggan ang ‘Pondo ng Pinoy sa Caritas in Action’ tuwing ikalawa at ika-apat na lunes ng buwan, mula ala-una y medya hanggang alas dos ng hapon.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 41,502 total reads

 41,502 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 37,616 total reads

 37,616 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 72,263 total reads

 72,263 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 174,083 total reads

 174,083 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 214,642 total reads

 214,642 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 233,697 total reads

 233,697 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 108,867 total reads

 108,867 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top