Simbahan, muling umapela sa taong bayan na magpabakuna

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 680 total reads

Muling umapela si Dumaguete Bishop Julito Cortes sa mamamayan lalo na ang mga lingkod ng Simbahan na magpabakuna laban sa coronavirus disease.

Ito ang mensahe ng Obispo kasunod ng pagsailalim ng Negros Oriental sa Alert Level 4 status ng quarantine restrictions hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Sa Executive Order no. 38 ni Governor Roel Degamo, umaasa itong nabakunahan na ang mga religious ministers na mangangasiwa sa anumang religious activities sa lalawigan upang mabawasan ang matinding epekto ng COVID-19 sa kalusugan ng tao.

“Let me take this opportunity to once again encourage you and your parish and community personnel who have not been inoculated to please submit yourselves for vaccination,” bahagi ng liham sirkular ni Bishop Cortes.

Sa ilalim ng bagong kautusan ng lokal na pamahalaan pinahihintulutan lamang ang 10 porsyentong kapasidad sa indoor activities habang 30 porsyento naman sa outdoor events kabilang na ang religious gatherings.

Binigyang-diin ni Bishop Cortes na ang pakikiisa sa panawagan tulad ng pagbabakuna ay maituturing na pastoral charity bilang pangangalaga sa kalusugan ng bawat isa.

“All these we do in the spirit of pastoral charity and sensitivity to the needs of the times,” dagdag pa ng Obispo.

Kabilang sa mga pahihintulutang dumalo ng pisikal sa mga gawain ang edad 18 hanggang 65 taong gulang na malusog ang pangangatawan at mas mainam kung nakatanggap na ng kompletong bakuna laban sa virus.

Muling ipinag-utos ng Obispo ang payak na pagdiriwang ng Banal na Misa upang malimitihan ang posibleng pagkalantad ng mamamayan lalo na sa closed areas.

Mahigpit pa ring ipatutupad ang safety health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas ng kamay kasama na ang hand sanitizers at pagtiyak sa physical distancing sa loob at labas ng simbahan.

“Kindly limit the singing to the essential parts of the Holy Mass in order to shorten the exposure of each person to the community,” giit ni Bishop Cortes.

Bagamat nakitaan ng pagbaba ng daily COVID-19 cases sa bansa nangangamba ang mga eksperto na maaring tumaas ang kaso ng mga mahawaan kasunod ng pagluwag ng quarantine restrictions at pagkakaroon ng mga super spreader events sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 42,164 total reads

 42,164 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 38,591 total reads

 38,591 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 73,179 total reads

 73,179 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 174,999 total reads

 174,999 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 215,561 total reads

 215,561 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 234,568 total reads

 234,568 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top