Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

SHARE THE TRUTH

 54,604 total views

Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan ang nagbukas ng kanilang mga pasilidad upang magsilbing pansamantalang kanlungan ng mga apektado ng bagyo sa lugar.

Kabilang sa mga paaralang binuksan para sa mga apektado ng Bagyong Kristine ang Bicol University Campuses na matatagpuan sa Legazpi City at Daraga, Albay; Albay Central School sa Old Albay District Legazpi City; Bicol College Gymnasium sa Daraga, Albay; Cabangan Highschool and Elementary School sa Barangay Cabangan, Legazpi City, Albay; at Buraguis Elementary School sa Buraguis, Legazpi City.

Maari ding magtungo ang mga residente apektado ng Bagyong Kristine sa mga parokya sa diyosesis kabilang na sa St. Gregory the Great Cathedral na matatagpuan sa Old Albay District, Legazpi City, Albay; Daraga Church sa Santa Maria Hill, Daraga, Albay; Redemptorist Church sa Gogon, Legazpi City; Our Lady of Fatima Parish sa Legazpi City; Cotmon Parish sa Cotmon, Camalig, Albay at sa iba pang mga Simbahan na matatagpuan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay.

Kaugnay nito, una ng humiling ng panalangin si Legazpi Bishop Joel Baylon para sa katatagan ng mamamayang labis naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Bicol region kung saan ibinahagi ng Obispo na ito ang pinakamalubhang pagbaha na naranasan sa lalawigan ng Albay sa loob ng nakalipas na tatlong dekada.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Diocese of Cabanatuan Social Action Center ang mamamayan na maging mapagmatyag sa lagay ng panahon upang maging ligtas sa anumang sakuna.

Ito ang panawagan ni Cabanatuan Social Action Director Fr. Aldrin Domingo sa mga mamamayan upang manatiling ligtas at handa sa anumang sitwasyon na maaring idulot ng bagyong Kristine.
Hinimok din ng Pari ang mamamayan na tulungan ang kapwa na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine.

“Sa ganitong pagkakataon ang pinakamahalaga ay ang pagtutulungan at kung mayroong pagkakataong makatulong sana i-grab natin ito at kung tayo ay nasa mas mabutiong kalagayan ang ibig sabihin lamang po noon ay mas may kakayahan tayong tumulong yun po yung paanyaya natin na maging mapagmatyag tayo at maghintay ng mga balita-balita upang pag may pagkakataon tayong tumulong ay mabilis tayong makatulong, siguro yun laman po ang munting mensahe,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Domingo.

Sa bahagi ng Diocese of Antipolo, inihayag ni Ms.Mona Valencia ng Antipolo Social Action Center na naka-monitor ang kanilang tanggapan sa bagyo at patuloy ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng social service coordinators ng simbahan at local na pamahalaan para sa mabilis na pagtulong sa mga apektado ng bagyo.

“Sa ngayon po ay wala pang ibinabatong report ang mga social service coordinators namin,Naka monitor din po sila sa kani kanilang area,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Valencia sa Radio Veritas.

Author:
Jerry Maya Figarola
Reyn Letran – Ibañez

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 25,763 total views

 25,763 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 34,431 total views

 34,431 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 42,611 total views

 42,611 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 38,332 total views

 38,332 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 50,382 total views

 50,382 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 2,522 total views

 2,522 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 3,339 total views

 3,339 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top