P1.2-M, inilabas ng Caritas Manila sa 6 Bicol diocese na apektado ng bagyong Kristine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,444 total views

Naglabas ng P1.2 milyong piso ang social arm ng Archdiocese of Manila na paunang tulong para sa Bicol dioceses na lubhang nasalanta ng Bagyong Kristine.

Makakatanggap ng tig-P200,000 mula sa Caritas Manila ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines Norte; Diocese of Legazpi, Albay; at Diocese of Sorsogon.

Ayon kay Caritas Manila executive director, Fr. Anton CT. Pascual, nakatuon ang institusyon sa relief at rehabilitation upang agad na matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo tulad ng pagkain, tubig, at hygiene kits.

“Sa ngalan po ng Caritas Manila, tayo po ay tutulong muli sa mga nasalanta ng bagyong ito, lalung-lalo na sa Bicol Region… Ang ating pagsuporta, alam po naman natin ay relief at rehabilitation, ipagdasal natin na walang mamamatay at huwag matindi ang pinsala sa mga kababayan nating Bicolano,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam sa programang Kalakbay ng Pamilya.

Panawagan ni Fr. Pascual ang patuloy na pagtutulungan ng bawat isa upang magsilbing tanglaw ng pag-asa ng mga biktima ng sakuna.

Ipinapanalangin din ni Fr. Pascual ang kaligtasan ng lahat at ang katatagan ng mga biktima ng sakuna upang muling makabangon mula sa pinagdaraanang pagsubok.

“Kaya’t mahalaga na magdasal po tayo na huwag maging mapinsala ang mga bagyo lalo na ang epekto ng La Niña Phenomenon at malampasan natin nang ligtas. Gayunpaman, kapag may mga biktima naroon ang simbahan na unang nagdarasal at sumusuporta sa pamamagitan ng relief and rehabilitation,” ayon kay Fr. Pascual.

Sa mga nais magbahagi ng in-cash donations, maaaring bisitahin ang facebook page ng Caritas Manila para sa kumpletong detalye ng bank account, at para naman sa in-kind donations, maaari itong dalhin sa Caritas Manila compound sa 2002 Jesus St. Pandacan, Manila o sa tanggapan ng Radio Veritas sa 162 West Ave. corner EDSA, Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 27,008 total views

 27,008 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 101,622 total views

 101,622 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 181,701 total views

 181,701 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 224,840 total views

 224,840 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 224,308 total views

 224,308 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top