Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mga simbahan sa Diocese of Daet, binuksan sa mga evacuees

SHARE THE TRUTH

 3,809 total views

Binuksan ng mga parokya sa Diyosesis ng Daet, Camarines Norte ang mga simbahan at pasilidad upang pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon kay Daet Diocesan Social Action Ministry (DSAM) director, Fr. Jojo Caymo, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSAM sa Parish Social Action Ministries (PSAM) upang mapabilis ang pagtukoy sa kalagayan ng mga apektadong pamilya at agarang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

Bagamat hindi na bago sa Camarines Norte ang makaranas ng malalakas na sakuna, nabahala si Fr. Caymo sapagkat ngayon lamang nangyari lalo na sa bayan ng Daet ang matinding pagbaha.

“First time mangyari ito, sobrang baha,” ayon kay Fr. Caymo.

Batay sa situational report ng Daet DSAM, nasa higit 600 pamilya o 2,000 indibidwal ang kasalukuyang nasa evacuation centers kung saan ang bayan ng Vinzons ang nakapagtala ng mas maraming bilang ng mga nagsilikas na umabot sa higit 400 pamilya o halos 1,300 indibidwal.

Sa panayam sa Veritas Pilipinas, ibinahagi ni Fr. Rafa Rafael ng Diocese of Daet Office of Social Communications na patuloy na tinatanggap ng mga parokya ang mga apektadong pamilya upang pansamantalang manuluyan habang hindi pa humuhupa ang pagbaha at pag-uulan.

Kabilang naman sa mga nagbukas ng mga simbahan at pasilidad ang Shrine and Parish of Our Lady of Candelaria sa Paracale, Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa Jose Panganiban, San Diego de Alcala Parish sa Labo, at St. Francis of Assisi Parish sa Talisay.

“Ang simbahan, ang mga parokya po ay nagbukas para sa mga evacuees, sa mga nangangailangan and marami pong pumunta sa mga simbahan para doon magpalipas ng gabi,” pahayag ni Fr. Rafael.

Sa mga nais magbahagi ng tulong at donasyon, magpadala lamang ng mensahe sa Diyosesis ng Daet facebook page upang makuha ang kumpletong detalye at pamamaraan sa pagpapadala ng tulong.

Sa huling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bahagyang bumilis ang pagkilos ng Bagyong Kristine habang napanatili ang lakas sa karagatan sa silangan ng Aurora.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 200 kilometro Silangan ng Casiguran, Aurora habang kumikilos patungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin sa 85 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 km/h.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 2,391 total views

 2,391 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 8,724 total views

 8,724 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 13,338 total views

 13,338 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 14,899 total views

 14,899 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 30,799 total views

 30,799 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Sambayanang Pilipino, hinamon ng Obispo na manindigan para sa kalikasan

 41 total views

 41 total views Hinikayat ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang lahat na balikan at pagnilayan ang alaala ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa, partikular na sa Eastern Visayas. Ayon kay Bishop Varquez, labing-isang taon na ang lumipas mula nang manalasa ang kauna-unahang super typhoon sa bansa, ngunit sariwa pa rin ang iniwang pinsala nito,

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“Extraordinary jubilee mass” kay St.Miguel Febres Cordero, pangungunahan ng Papal Nuncio

 822 total views

 822 total views Inaanyayahan ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSMHSI) ang mga mananampalataya na makibahagi sa Extraordinary Jubilee Holy Mass na pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown. Ito’y bilang parangal sa ika-170 kaarawan at ika-40 anibersaryo ng kanonisasyon ni Saint Miguel Febres Cordero, ang kauna-unahang santo mula sa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Tuluyang pagbabawal sa paggawa at pagbibenta ng paputok, hiniling ng BAN Toxics

 1,358 total views

 1,358 total views Umaapela ang toxic watchdog na BAN Toxics sa pamahalaan kaugnay ng maagang pagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok sa mga pamilihan. Ayon kay Thony Dizon, campaign and advocacy officer ng grupo, hinihikayat nila ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na suportahan at ipag-utos sa mga lokal na pamahalaan sa bansa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipatigil ang lahat ng mining project, hamon ng ATM sa pamahalaan

 1,747 total views

 1,747 total views Nananawagan sa pamahalaan ang Alyansa Tigil Mina na ihinto na ang mga mining project sa Pilipinas dahil pinapalala lamang nito ang pinsalang dala ng mga sakunang dumadaan sa bansa. Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, patuloy na lumalakas at dumadalas ang epekto ng mga bagyo sa bansa dahil sa climate change. Iginiit

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Throw-away culture sa mga sementeryo, pinuna ng EcoWaste Coalition

 2,160 total views

 2,160 total views Pinuna ng EcoWaste Coalition ang mga iniwang basura ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong nagdaang Undas. Sa pagbisita ng Basura Patrollers ng grupo sa 29 pampubliko at pribadong sementeryo sa iba’t ibang lugar, kabilang ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bataan, Bulacan, at Pampanga, bumungad ang mga umaapaw at magkakahalong basura. Ayon

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

P1.8M karagdagang cash assistance, ipapadala ng Caritas Manila sa 6-Bicol dioceses

 3,350 total views

 3,350 total views Magpapadala ng karagdagang P1.8 milyon cash assistance ang Caritas Manila para sa Bicol dioceses na labis na nasalanta ng Bagyong Kristine. Makakatanggap ng tig-P300,000 karagdagang tulong ang anim na diyosesis sa Bicol Region kabilang ang Archdiocese of Caceres at Diocese of Libmanan sa Camarines Sur; Diocese of Virac, Catanduanes; Diocese of Daet, Camarines

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Suriin ang pamumuhay sa paggunita ng UNDAS

 2,699 total views

 2,699 total views Pagnilayan ang nakagawiang pamumuhay at gawing kaaya-aya sa Diyos at kapwa. Ito ang mensahe ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto sa bawat mananampalataya bilang paggunita sa Araw ng mga Banal at Araw ng mga Yumaong Mahal sa Buhay. Ayon kay Bishop Presto, ang paggunita sa mga araw na ito’y nagsisilbing paalala

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Miss Earth beauty queens, nanawagan ng zero waste sa mga sementeryo

 3,032 total views

 3,032 total views Nagsama-sama ang pro-environment advocates at Miss Earth beauty queens mula sa sampung bansa upang hikayatin ang publiko na iwasan at bawasan ang basura sa mga pampubliko at pribadong sementeryo ngayong Undas. Bilang bahagi ng kampanyang Zero Waste Undas 2024 na may temang “Kalinisan sa Huling Hantungan, Igalang ang Kalikasan,” nagsagawa ng pagtitipon ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Isabuhay ang tunay na diwa ng Undas, apela ng Arsobispo sa mananampalataya

 3,032 total views

 3,032 total views Hinikayat ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga mananampalataya na ituring na sagrado ang pag-alaala at paggalang sa mga banal at yumaong mahal sa buhay ngayong Undas. Ayon sa arsobispo, hindi na ganap na naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng Undas, at ang “Halloween” ay napalitan ng nakakatakot na kahulugan. Sinabi ni Archbishop

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

UNDAS, isang pag-alala at pagpaparangal

 3,087 total views

 3,087 total views Ipinaalala ni San Pablo Bishop-designate Marcelino Antonio Maralit, Jr. ang kahalagahan ng pagpaparangal at pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay, gayundin sa mga santong namuhay nang may kabanalan. Ito ang mensahe ni Bishop Maralit kaugnay sa paggunita sa Undas ngayong taon—ang All Saints’ Day o Araw ng mga Banal sa November 1

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Exorcist Priests, tampok sa UNDAS special programing ng Radio Veritas

 3,397 total views

 3,397 total views Muling inaanyayahan ng Radyo Veritas 846 ang mga kapanalig na pakinggan at subaybayan ang mga programa ng himpilan para sa paggunita ng Undas ngayong taon. Ito ang Dalangin at Alaala 2024: Kapanalig ng Yumaong Banal, na naglalayong gunitain ang mga banal ng Simbahang Katolika at mag-alay ng panalangin para sa kaluluwa ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

DILG, nakiisa sa mapayapa at maayos na UNDAS 2024

 4,182 total views

 4,182 total views Nakikiisa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mapayapa at maayos na paggunita ng Undas ngayong taon. Kasabay ng pag-alala at pag-aalay ng panalangin para sa kapayapaan ng mga yumaong mahal sa buhay, hinihikayat ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang publiko na maging maingat laban sa mga mapagsamantalang maaaring samantalahin

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Patuloy na panalangin, tulong sa mga nasalanta sa Batangas panawagan ni Archbishop Garcera

 4,983 total views

 4,983 total views Nananawagan ng tulong at panalangin si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa lalawigan ng Batangas. Ayon kay Archbishop Garcera, mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang muling makapagbigay ng pag-asa sa mga lubhang nasalanta ng nagdaang sakuna. “Ako po’y patuloy na nagdarasal para sa ating

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Malawakang pagbaha sa Bicol region: Dulot ng pagkasira ng kalikasan, pagbabaw ng ilog at lawa

 5,073 total views

 5,073 total views Ipinaliwanag ng isang pari at tanyag na Bicolano author ang nangyaring malawakang pagbaha sa Bicol Region sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Ayon kay Fr. Wilmer Tria, kura paroko ng St. Raphael the Archangel Parish sa Pili, Camarines Sur, ang pagbaha sa Bicol ay dahil sa kombinasyon ng heograpiya, klima, at mga

Read More »
Disaster News
Michael Añonuevo

Mabilis na pagtugon ng social action ministries sa mga nasalanta ng bagyo, pinuri ng Caritas Philippines

 5,739 total views

 5,739 total views Kinilala ng social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang agarang pagtugon ng social action ministries ng bawat diyosesis na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang mabilis na pagkilos ng bawat social arm ay patunay na nakatulong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top