Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,022 total reads

Nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan, kapanalig. Napakarami ng mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napa-importante na hindi myopic ang ating pananaw ukol dito – lawakan natin ang ating perspektibo upang ating makita ang mga suliranin sa sektor.

Ayon sa isang pagsusuri ng Philippine Business for Education (PBeD), may education crisis ang bayan at isa sa mga pangunahing hamon na kailangan harapin ay ang hindi pantay na access sa pormal na edukasyon.  Ayon sa datos nito, mga 82.4% ng mga Pilipinong edad 25 ang nagsabing nakatapos na sila ng primary education, pero 30.5% lamang ang nakatapos ng high school at 24.4% lamang ang nakakatapos ng kolehiyo. Makikita rin na ang mga may kaya ang may access sa edukasyon dahil 49% ng mga mayayaman ay nakaka-pasok ng kolehiyo, pero 17% lamang sa mga mahihirap.

Maliban sa access, problema pa rin ang kalidad. Mababa ang ating mga scores sa mga international proficiency tests. Kulelat tayo sa mga reading and comprehension pati sa math at science assessments ng Program for International Student Assessment (PISA).

Maliban sa kalidad at access, ang pinaka-matinding problema sa sektor ngayon ayon sa PBeD ay ang mental health hindi lamang para sa mga estudyante kundi pati sa mga teachers, ang kakulangan ng suporta para sa mga guro, at ang mass promotion ng mga estudyante o pagpasa ng mga estudyante sa susunod na lebel kahit pa palyado ang mga grado nito. Ang huling problema na ito ay napaka-laki ng epekto – ito ang isa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga mag-aaral, kahit na sa mataas na antas na, ay hindi pa rin hasa sa pagbabasa pati sa simpleng math operations.

Hindi natin malalampasan ang krisis kung hindi natin tatanggapin at aaminin ang mga suliraning ito. Kapanalig, hindi lamang pasilidad o imprastraktura ang problema ng education sector – ang mismong proseso ng pagtuturo at ang mga pinagdaanang hamon ng mga teacher at estudyante hindi lamang sa pandemya kundi sa kahirapan sa buhay, ay mga matitingkad na isyu na kailangan nating tutukan.

Kapanalig, ang tagal na isyu na ang mga ito, at lahat sila ay naging hadlang hindi lamang sa pagsulong ng edukasyon sa bayan, kundi sa pagsulong ng panlipunang katarungan. Ang patuloy na pagpapabaya sa mga isyung ito ay lalong nagpapahirap pa sa mga maralita. Nagpapakita rin ito ng ating pagkukulang bilang isang lipunan. Ayon nga sa Economic Justice for all: The way society responds to the needs of the poor through its public policies is the litmus test of its justice or injustice.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 116,288 total reads

 116,288 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 148,017 total reads

 148,017 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 249,843 total reads

 249,843 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 290,402 total reads

 290,402 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 305,960 total reads

 305,960 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 116,289 total reads

 116,289 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 148,018 total reads

 148,018 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 249,844 total reads

 249,844 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 290,403 total reads

 290,403 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top