Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,693 total views

Homiliya Para sa Ika-20 Linggo ng Karaniwang Panahon, 20 Agosto 2023, (Paggunita kay San Exequiel Moreno), Mat 15:21-28


Isa sa mga pinagtalunan ng mga sinaunang mga Kristiyano ay may kinalaman sa tanong: “Pwede rin bang mabinyagan ang mga hindi Hudyo o hindi kabilang sa Bayan ng Israel?” Totoo naman na noong una, parang sekta lang ng mga Hudyo ang kilusan ng mga unang Kristiyano. At si Hesus mismo hindi naman talaga siya gaanong lumayo. Umikot lang siya sa bayan ng Israel. At tulad nga ng narinig nating sagot niya sa babaeng Cananea: “Ako ay isinugo para lamang sa mga tupang ligaw ng Israel.”

Noon pa man, kahit sa mga Israelita—malakas na rin ang diskriminasyon. Ang tinuturing nilang mga miyembro ng “Bayan ng Diyos” ay iyun lamang mga sumusunod sa mga batas ng kanilang relihiyon, mga pumapasok sa mga Sinagoga, mga sumusunod sa patakaran ng pananampalatayang Hudyo. May invisible na bakod sa pagitan ng mga taga-loob at taga-labas. Karamihan sa mga Rabbi nanatili lang sa loob ng sinagoga at tinutukan lang ang mga nagpapasakop. Siyempre, karamihan dito ay mga may-kaya, mataas ang pinag-aralan, may impluwensya sa lipunan.

Dito naging kakaiba si Hesus. Kahit kabilang siya sa mga taga-loob, at nagsanay na maging Rabbi, hindi siya nanatili sa loob ng Sinagoga. Lumabas siya sa mga kalsada, sa mga tabing-dagat. Nangaral siya hindi lang sa pulpito kundi sa mga bangka, sa gilid ng bundok, sa mga kainan, nakihalubilo sa mga ordinaryong tao, pati na yung halos walang nalalaman tungkol sa relihiyon at mga itinuturing na marumi o makasalanan o lumalabag sa mga kautusan. Katulad halimbawa ng mga mismong unang naging mga alagad niya. Saan ba niya sila nakatagpo? Sa may dalampasigan ng Lawa ng Galilea, nangingisda. Pero sabi ng ebanghelyo, araw daw iyon ng Sabbath. Ibig sabihin, ang mga kinaibigan niya ay mga tipong nagtatrabaho naghahanapbuhay kahit sa araw ng Pahinga o Sabbath. Bakit? Kasi karamihan sa kanila ay mga dukha o mahihirap. Mga tipong magugutom kung hindi maghahanapbuhay. Kaya ang madalas na batikos sa kanya ay paglabag daw niya sa batas ng Sabbath.

Ang mga taga-labas—sila ang tinatawag niyang “mga tupang ligaw sa bayan ng Israel.” Pero ang lubos na paglabas ng mga unang Kristiyano patungo sa mga hindi Hudyo o hindi kabilang sa bayang Israel ay mangyayari pa lamang sa gagawin ng mga unang misyonerong katulad ni San Pablo. Meron na ring nagmisyon at lumabas ng Israel bago pa si San Pablo pero mga Hudyo pa rin ang mga tipong tinututukan nila, mga Hudyo sa Diaspora na dumadalo sa mga Sinagoga—mga Hudyo na nagkalat sa iba’t ibang mga bansa. Mga Hudyo na hindi na Hebreo ang salita kundi Griyego, at kakaiba na ang kulturang kinalakihan.

Binago ni San Pablo ang kalakaran nang lumabas siya sa Sinagoga at nangaral din sa mga tinatawag na “Gentiles”—ibig sabihin mga “taga-labas”, hindi lang labas ng Sinagoga, kundi labas ng Bayang Israel. Ito ang narinig natin sa ikalawang pagbasa. Na ang misyon na ipinagkatiwala sa kanya ay maging APOSTOL NG MGA itinuturing na TAGA-LABAS, mga hindi-Hudyo, mga dayuhan o pagano. Paniwala kasi nila noong una na si Yahweh ay Diyos lang ng Israel.

Mukhang pinag-aralang mabuti ni San Pablo ang mga Banal na Kasulatan ng mga Hudyo. Alam niya na mula pa noong panahon ni propetang Isaias, nagsimula na ang malakas na adhikain ng paglabas sa mga bakod ng lahi, bakod ng relihiyon, bakod ng antas ng kabuhayan, atbp. Mukhang alam din ni Isaias ang pangako ni Yahweh kay Abraham: “Pagpapalain kita upang a pamamagitan mo ay makaabot ang aking pagpapala sa lahat ng mga bansa.” (Gen 12:2-3) Narinig din natin ito sa first reading: hindi daw totoo na ang kaligtasang hangad ni Yahweh ay para lang sa Israel. Bukas din daw ang “Banal na Bundok” (ibig sabihin, ang templo) sa mga dayuhan. Sapagkat wika ng Diyos ayon kay Isaias, “ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng mga bansa.” (Isa. 56:7)

At sa ating ebanghelyo,ito rin ang punto ni San Mateo—na ang paglabas sa bakod ay nagsimula na kay Hesus. Kaya napakahalaga ng kuwentong ito tungkol sa babaeng Cananea na pilit humihingi ng tulong para sa anak niyang maysakit. Sa una, dinedma daw siya ni Hesus. Actually, nakiusap na raw ang mga alagad kay Hesus na pagbigyan na siya, hindi dahil naaawa kundi dahil nakukulitan na sila sa kanya . Pero hindi pa rin bumigay si Hesus. Noon nga niya sinabing diretsahan sa babae na hindi siya kasali sa misyon niya. Masakit pa nga ang mga salitang binitawan niya, “Hindi tama na itapon ng maybahay ang pagkain ng mga anak niya sa mga aso.” Ang sagot ng babae: “Opo. Pero kahit aso, naghihintay ng mumo mula sa mesa ng amo.” Mukhang nayugyog si Hesus ng mga salitang iyon. At pinagbigyan niya ang babae. Sinabi pa niya: “Babae, dakila ang iyong pananampalataya.”

Ito ang naging inspirasyon ng mga misyunerong katulad ni San Exequiel Moreno. Isa siyang misyunerong Agustinong Recoleto. Ano ang pagkakaiba ng mga Agustino sa mga Recoleto? Parehong Agustino, pero misyunerong handang sumabak kung saan hindi sasabak ang mga Agustino. Ang unang nagdala ng pananampalatayang Kristiyano sa ating teritoryo ay mga Agustino. Pero sobrang hirap daw ng lugar natin, hindi masustento ang pagiging parokya kaya ipinasa ang misyon sa mga Recoleto.

May suspetsa akong nag-apostolate din dito sa atin si San Exequiel Moreno. Teritoryo kasi nila ang Caloocan. Ipinadala na siya dito sa Pilipinas seminarista pa lang, 17 years old pa lang siya. Naordenahan sa edad na 23 years old sa Maynila. Naging fluent sa Tagalog, nagmisyon sa Mindoro at Palawan hanggang sa edad na 40, bago siya bumalik ng Spain at nadestino naman sa Colombia. Noon naging obispo siya at nagpasimula rin ng mga misyon sa mga katutubo, mga tipo talagang hindi kaya ng mga regular na misyunero.

Consistent siya sa spirituality ng mga Recoleto, sumasabak kung saan mahirap. Handang humarap sa pagsubok; mas challenging, mas mabuti, hindi sumusuko hanggang sa nagkasakit na cancer at namatay, at naging patron ng mga taong humaharap sa mga matinding pagsubok sa buhay. Palagay ko, ginaya lang ng mga Recoleto ang babae sa ebanghelyo—pursigido kahit ineetsapwera, malakas ang loob, sumasabak, hindi sumusuko, makulit alang-alang sa minamahal niyang anak. Naantig niya ang mahabaging puso ni Hesus, nabuksan niya ang misyon papalabas, upang ang bahay ng Diyos ay maging totoong tahanan, hindi lang para sa mga banal at masunurin kundi para din sa mga hindi pinapansin, hindi kasali, mga isinasantabi o pinababayaan sa lipunan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,379 total views

 13,379 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,352 total views

 19,352 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,107 total views

 25,107 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,370 total views

 32,370 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,354 total views

 40,354 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 770 total views

 770 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 772 total views

 772 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,526 total views

 3,526 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,941 total views

 7,941 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,267 total views

 3,267 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,790 total views

 3,790 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,289 total views

 5,289 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,133 total views

 6,133 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,388 total views

 4,388 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,601 total views

 8,601 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,833 total views

 7,833 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,043 total views

 12,043 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,491 total views

 5,491 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,495 total views

 5,495 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,495 total views

 5,495 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top