Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 362 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo ay nakamit ng Filipinas, ang women’s national football team ng Pilipinas, ang kauna-unahang panalo ng bansa sa FIFA World Cup. Tinalo ng ating mga pambato ang host country na New Zealand sa puntos na 1-0. Ang makasaysayang tagumpay ng Filipinas ay nangyari isang araw lamang matapos ang ikalawang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., kaya hindi rin natin maiwasang kumustahin ang katayuan ng kababaihan sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. 

Katulad ng mga nakaraang taon, ang SONA ngayong taon ay nagsisilbing entablado upang ipagmalaki ng administrasyon ang mga itinuturing nitong tagumpay sa halip na magbigay ng komprehensibong ulat sa aktwal na state of the nation o kalagayan ng bansa. Ibinida sa SONA ang mga sinasabing progreso sa ekonomiya, agrikultura, kalusugan, at iba pang sektor. Ngunit kapansin-pansin ang hindi pagbanggit sa isyu ng karapatang pantao at sa imbestigasyon ng International Criminal Court (o ICC). 

Sa kabila ng sinasabing economic growth na 7.6% noong 2022, pagbaba ng inflation sa 5.4% nitong Hunyo, at pagpapanatili sa unemployment rate nang hindi tataas sa 5%, mayroong higit pa sa 21.1 milyong kababaihan sa bansa ang “economically insecure” o walang kasiguruhan sa trabaho o kabuhayan. Batay ito sa ulat ng Center for Women’s Resources (o CWR) sa estado ng kababaihan sa unang taon ng administrasyong Marcos Jr. Anila, kasama sa datos na ito ang halos isang milyong babaeng unemployed, 1.9 milyon na underemployed, at 18 milyong  wala sa labor force. Ang mga datos na ito, ayon sa CWR, ay nagpapakitang mas vulnerable o lantad ang kababaihan sa gutom, kahirapan, at karahasan. Binigyang-diin din ng ulat kung gaano lubhang naaapektuhan ang kababaihan sa inflation na umabot sa 8.7% noong Enero, ang pinakamataas na inflation rate sa nakaraang labing-apat na taon. 

Dumarami rin ang iba’t ibang anyo ng mga pang-aabuso at pagsasamantalang nararanasan ng kababaihan at mga bata. Noong 2022, hindi bababa sa 24,000 ang naiulat na mga kaso ng violence against women and children (o VAWC). Ayon sa CWR, ito ay katumbas ng halos 75 na biktima kada araw o tatlong biktima kada oras noong 2022. Kulang pa ang numerong ito dahil maraming kaso ng VAWC and hindi inire-report dahil sa takot, hiya, at victim-blaming culture. Paliwanag ng CWR, nananatiling nasa panganib na maging biktima ng human trafficking at prostitusyon ang kababaihan dahil sa kawalan ng disenteng trabaho at sapat na kita para mabuhay.  

Dapat na kilalanin at itaguyod natin, pati na ang Simbahan, ang karapatan ng kababaihan. Ayon nga sa panlipunang turo ng Santa Iglesia, ang pagpapatuloy ng iba’t ibang anyo ng diskriminasyon laban sa kababahihan ay dulot ng matagal na pag-kondisyon sa lipunan na umaapak sa halaga at dignidad ng mga babae. Ang tunay na pag-unlad ay nangangailangan ng pagbabago sa istruktura ng lipunan, kasama na rito ang labor o paggawa, kung saan wala nang nararanasang diskriminasyon at ‘di pagkakapantay-pantay ang mga tao anuman ang kanilang kasarian. 

Mga Kapanalig, marami pa rin ang kailangang gawin upang matugunan ang mga malalalim at istruktural na problemang kinahaharap ng ating bayan. Isa sa mga pangunahing hakbang ay ang pagkilala ng gobyerno sa mga kakulangan nito. At hindi nakakatulong, bagkus ay nakakapinsala pa nga, ang pagkubli sa mga negatibong aspeto ng kalagayan ng bansa, lalo na sa usapin ng karapatang pantao at aktwal na sitwasyon ng mga marginalized sectors katulad ng kababaihan. Patuloy sana nating ipaglaban ang karapatan at dignidad ng ating kapwa at panagutin ang gobyerno sa mga pangako nito nang sa gayon ay maisabuhay ang winika sa Deuteronomio 1:17 na mabigyan ng katarungan ang bawat tao, maging sinuman sila. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 8,186 total views

 8,186 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 14,159 total views

 14,159 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 19,914 total views

 19,914 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 27,177 total views

 27,177 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 35,161 total views

 35,161 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 8,187 total views

 8,187 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 14,160 total views

 14,160 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 19,915 total views

 19,915 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 27,178 total views

 27,178 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 35,162 total views

 35,162 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,624 total views

 35,624 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,628 total views

 47,628 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,670 total views

 55,670 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,227 total views

 47,227 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,652 total views

 45,652 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,438 total views

 47,438 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,363 total views

 44,363 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,677 total views

 58,677 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,367 total views

 62,367 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,970 total views

 60,970 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top