Estado sa lipunan, hindi batayan ng kahalagahan ng tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 844 total reads

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na magkaroon nang pagbabago hindi lamang sa salita kundi sa gawa ngayong panahon ng adbiyento bilang paghahanda sa pagdating ng kapaskuhan, ang pagsilang ni Hesukristo.

Sinabi ng Cardinal na kalimitan ay nakabase ang ating pagtingin sa kahalagahan ng tao sa kanyang estado sa buhay, impluwensya at kapangyarihan sa lipunan.

“How do we look at the children, people with disabilities, elderly, beggars, street vendors, people who commited wrong doing? Do we still see a value in them or do we see in them less valuable as they appear as a threat to me and the society. No one is perfect but we still all valuable because we are all children of God,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Giit niya, kailangang palayain ng bawat isa ang maling pagtingin sa kapwa kundi ang pagtingin sa katotohanan na ang bawat isa ay mahalaga, at may dignidad.

“Repentance…change in action and in mind. Sundan ang pag-iisip ni Hesus. Ang pagtingin sa kapwa sa mundo. Ang pagpapahalaga ni Hesus at gawi ni Hesus upang makita ang halaga ng tao para umunawa at magmahal,” ang bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Paliwanag pa niya na ang panawagan para sa pagsisi ay kaligtasan subalit kinakailangan munang tanggapin ang alok na kalayaan at pagliligtas ng Panginoon.

At ang tunay na malaya ayon pa kay Cardinal Tagle ay yaong umiibig ng wagas, may pagmamahal na kumikilos para sa kapakanan ng iba.

Ito ang mensahe ng kaniyang kabunyian kaugnay na rin sa ginanap na Word Exposed: Advent Recollection with Cardinal Tagle na may temang Produced Good Fruits as Evidence of your Repentance na ginanap sa Araneta Coliseum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 8,137 total reads

 8,137 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 131,432 total reads

 131,432 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 181,796 total reads

 181,796 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 308,854 total reads

 308,854 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 394,011 total reads

 394,011 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top