Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EU, nagkaloob ng 76-milyong humanitarian aid sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

 20,156 total views

Tiniyak ng European Union ang patuloy na pag-agapay sa mga Pilipino lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Muling nagkaloob ang EU ng 1.3 million euros o katumbas ng 76 milyong piso para sa mamamyan ng Mindanao na labis naapektuhan ng pagbaha noong Pebrero.

Ayon kay EU Commissioner for Crisis Management, Janez Lenarcic nakaagapay ang EU sa pangangailangan ng mga Pilipino para makabangon sa trahedya.

“The beginning of this year’s monsoon and typhoon season is proving very hard for people in the Philippines, and the EU is stepping up its assistance to the most affected populations. This funding will help provide much needed relief to people in Mindanao,” ani Lenarcic.

Matatandaang sa mga pag-ulan noong Enero at Pebrero lubhang naapektuhan ang mga rehiyon sa Mindanao kung saan bukod sa pagbaha ay nagkaroon din ng mga pagguno ng lupa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council halos dalawang milyong katao sa rehiyon ang apektado o katumbas sa halos kalahating milyong pamilya kung saan 300, 000 rito ang nawalan ng tahanan.

Ayon sa EU ang nasabing alokasyon ng pondo ay para tulungan ang mga pamilyang labis na naapektuhan lalo na sa pagkain, malinis na inuming tubig, pasilidad sa pagkukunan ng tubig gayundin ang iba pang essential services para sa mamamayan.

Ang nasabing tulong pinansyal ay karagdagan lamang sa naunang 3.1 million euros humanitarian crisis’ assistance na unang ipinagkaloob sa Pilipinas para sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao at iba pang rehiyon ng Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 13,673 total views

 13,673 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 33,610 total views

 33,610 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 50,870 total views

 50,870 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,422 total views

 64,422 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,002 total views

 81,002 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,207 total views

 7,207 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 21,861 total views

 21,861 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Scroll to Top