Patuloy na pagsasabuhay ng “synod on synodality”, panawagan ng pari sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,551 total views

Tiniyak ni Father Jayson Laguerta – Director ng Philippine Conference on New Evangelization na sama-sama ang simbahan ng Pilipinas tungo sa nag-iisang hangarin ng Synod on Synodality.

Patunay nito ang idinaos na Parish Priests for the Synod: A National Meeting of Parish Priests sa Manila Prince Hotel.

Ayon sa Pari, pagpapakita ito ng patuloy pagtugon sa panawagan ng Santo Papa na gamitin ang Sinodo upang sama-samang maglakbay ang nag-iisang simbahan.

Pagpapatibay din ito sa mga Pari na nagsisilbing pastol ng simbahan upang magabayan ang mga mananampalataya at mapalalim ang kaniklang pagkilatis sa kalooban ng Diyos, kay Hesuskristo at Espiritu Santo.

“So tinipon natin ang mga kaparian ang mga kura-paroko mula sa iba’t-ibang parokya sa Pilipinas para pag-usapan ang una, yung mission ng simbahan patungo sa pagpapanibago at sama-samang pagkilos at paglalakbay at yung mga kura-paroko din ay inaanyayahan na maging mas bukas sa mga layko sa kanilang pamumuno ay mas maging participatory and shared leadership, so yun po yung dahilan kung bakit tayo nag titipon ngayon to include the parish priest and the conversation toward a missionary synodal church,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Laguerta.

Paanyaya ng Pari sa mga mananampalataya at mga Pastol ng Simbahan ang patuloy na pagsasabuhay ng Synod on Synodality.

Ito ay upang mapatibay ang pundasyon ng simbahan at higit na mapalaganap ang pananampalataya.

“Ang panawagan naman ay hindi nanggagaling sa isang tao, ang panawagan ay galing sa Espiritu Santo, galing sa Dyos mismo na tumawag sa atin para maglakbay ng sama-sama patungo sa kaganapan ng kaharian ng Diyos kaya yun ang paanyaya sa lahat ng mga binyagang krystiano na maglakbay tayo bilang sambayanan ng Diyos sa kaganapan ng buhay,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Laguerta.

Ang gawain ay pinagnasiwaan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Clergy at Episcopal Commission on Evangelization and Catechesis at Philippine Conference on New Evangelization.

Sa tala, umabot sa hanggang 200-Pari mula sa magkakaibang Diyosesis ang nakiisa sa idinaos na pagtitipon.

Ang Synod on Synodality ay inisyatibo ng Kaniyang Kabanalang Francisco na sama samang paglalakbay ng simbahan tungo sa nag-iisang hangarin at misyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 6,829 total views

 6,829 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 16,193 total views

 16,193 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 42,649 total views

 42,649 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 93,109 total views

 93,109 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 98,233 total views

 98,233 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top