Labanan ang human trafficking, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,418 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mamamayan na magkaisang labanan ang human trafficking sa lipunan.

Sa pagdiriwang ng 10th World Day Against Trafficking in Persons, binigyang diin ng obispo na kasalukuyang Vice Chairperson ng CBCP Migrant’s Ministry na walang puwang sa lipunan ang anumang uri ng pananamantala sa kapwa lalo na sa mga kabataan.

Iginiit ni Bishop Santos na malaki ang tungkulin ng bawat isa upang mawakasan ang mga kaso ng human trafficking sa bansa lalo na sa mga menor de edad.

Kabilang sa tinukoy ng obispo ang kahalagahan ng pananalangin sapagkat sa tulong ng habag at awa ng Panginoon ay nabibigyang proteksyon ang buhay ng tao.

“Remember that the power and importance of prayer has real consequences in the world. Prayer change things. Even if a situation seems helpless, our spiritual mercy matters. Therefore, we must unite in prayer to end child trafficking and protect vulnerable lives,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon sa pag-aaral ng International Labor Organization tinatayang nasa 40-milyong katao sa buong mundo ang itinuturing na modern-day slaves o mga biktima ng pang-aabuso na hindi makaalis o makatanggi dahil sa puwersa, pandaraya, karahasan, pang-aabuso ng kapangyarihan, o pamimilit na gawin ang isang bagay laban sa kanilang kalooban na kadalasan ay pinipilit na magtrabaho para sa kaunti o walang kabayaran.

Sa pagsaliksik naman ni Sara Mcgeough hinggil sa usapin ng human trafficking sa Pilipinas naitala ang halos isang milyong biktima ng modern-day slavery sa bansa kung saan nasa 60 hanggang 100-libo rito ay mga kabataan at 5, 000 ang domestic workers sa edad na 15 taong gulang pababa.

Tinuran ni Bishop Santos na ang mga kaso ng huamn trafficking ay nagsimula pa noong Biblical times sa Genesis nang ipagbili si Jose ng kanyang mga kapatid habang sa Exodus naman ang pang-alipin ng Ehipto sa mga Israelita.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng opisyal na dapat tugunan ang mga kaso ng human trafficking upang tuluyang lumaya ang mga biktima na ayon sa US Department State Tier 1 ang Pilipinas sa paggawa ng mga hakbang laban sa pang-aabuso.

“We should raise awareness and make child protection a priority. We should not only advocate policy reforms but more so improve law enforcement. And finally, ensure that more resources are in place like Child Sponsorship Program where education, nutritious food, healthcare, and life-skills training are provided…Let us make sure to leave no child behind in this fight. It’s time to take action and make a positive impact. By working together, we can create a safer world for the children and pave the way for a brighter future,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Pinangunahan ni Bishop Santos ang pagdiriwang na ginanap sa Ynares Events Center sa Antipolo City Rizal nitong July 30 kung saan tema ang ‘Leave No Child Behind in the Fight Against Human Trafficking.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 43,223 total reads

 43,223 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 93,270 total reads

 93,270 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 141,141 total reads

 141,141 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 245,090 total reads

 245,090 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 328,990 total reads

 328,990 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top