Transport group, nagpapasalamat sa Senado sa panukalang suspension ng PUVMP

SHARE THE TRUTH

 5,580 total views

Ikinagalak ng Samahang Manibela Mananakay at Nagka-isang Terminal ng Transportasyon o MANIBELA at iba pang transport group ang pakikiisa ng mga senador sa sektor ng jeepney drivers at operators.

Tinukoy ng grupo ang Senate resolutions 1096 ni Senator Raffy Tulfo na nilagdaan ng 22-Senador para suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“Pirmado ng 22 senador ang resolusyon para suspendihin ang Public Transport Modernization Program. Isa ito sa maraming bunga ng mahaba at matagal nang pakikipaglaban ng PISTON at ng masang tsuper at operator para sa pagbabasura ng huwad at palpak na programa ng negosyong modernisasyon, ngunit hindi pa tapos ang laban. Kailangang kalampagin natin ang rehimeng Marcos Jr. upang tuluyan nang mabasura ang programa, at masingil sa pinsalang naidulot nito sa kabuhayan ng mga tsuper at operator,” mensahe ng MANIBELA.

Nanawagan ang grupo sa mga kasamahang nagpasa at inasikaso ang kanilang mga franchise na i-withdraw ang mga isinumiteng dokumento upang maibalik ng pamahalaan ang 5-taong jeepney franchise.

Noong April 30,2024 ang deadline ng pagpapatala ng mga franchise sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Unang nakiisa ang Church People Workers Solidarity sa sektor ng mga traditional jeepney drivers at operators

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 106 total views

 106 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,926 total views

 14,926 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,446 total views

 32,446 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,021 total views

 86,021 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,258 total views

 103,258 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,258 total views

 22,258 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

YSLEP, kinilala ng MOP

 11,098 total views

 11,098 total views Kinilala ng Military Ordinariate of the Philippines ang Caritas Manila Youth Servant Leader and Education Program o YSLEP TELETHON 2025. Ayon kay M-O-P

Read More »
Scroll to Top