“Everything is connected”

SHARE THE TRUTH

 3,134 total views

Mga Kapanalig, ayon sa isang assessment na sinuportahan ng United Nations, ang butas sa ozone layer ng ating planeta ay unti-unti nang lumiliit. Bunga raw ito ng pag-phase out sa mga kemikal na mapaminsala sa ozone layer.

Ang ozone layer ay ang bahagi ng ating atmosphere na pumoprotekta sa atin mula sa mapanganib na ultraviolet rays. Para itong pananggalang na humaharang sa ultraviolet rays mula sa araw. Dekada ’80 nang magbabala ang mga siyentipiko tungkol sa lumalawak na butas sa pananggalang sa ito, na batay sa mga pag-aaral ay dahil sa mga ozone-depleting substances katulad ng chlorofluorocarbons o CFC mula sa mga lumang modelo ng appliances katulad ng refrigerators at aircon. Taóng 1989 nang magkasundo ang mga bansang buuin at ipatupad ang Montreal Protocol na nag-phase out nga sa mga kemikal na sumisira sa ozone layer. Kung magpapatuloy ang pagpapatupad ng mga patakarang nagbabawal sa CFC at iba pang kemikal, inaasahang pagsapit ng 2040 ay makaka-recover na ang ozone layer. Magandang balita ito, mga Kapanalig.

Ang pagpapanumbalik sa ozone layer ay isang tagumpay na bunga ng pagtutulungan ng mga bansa upang kumilos para sa ating nag-iisang tahanan. Ipinakikita nito kung ano ang kaya at kung ano ang dapat gawin ng mga bansa upang tugunan ang lumalalang krisis sa ating klima. Sa ngayon nga, ang climate change ay isa na ngang emergency na hindi dapat ipagsawalambahala, ayon nga kay Pope Francis, dahil nakapipinsala na ito sa sangkatauhan, lalo na sa mahihirap.

Nito ngang mga nakaraang linggo, nakita natin ang pinsalang iniwan ng malalakas na pag-ulan lalo na sa Visayas at Mindanao. Inaasahan naman natin ang mga pag-ulang ito dahil sa umiiral na La Niña, ngunit hindi katulad ng mga nakaraang panahon, lubhang malawak ang pinsalang iniiwan ng masamang panahon sa maraming lugar sa ating bansa. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, umakyat na sa halos 30 ang namatay mula noong ikalawa ng Enero dahil sa mga pag-ulan. Mahigit 150,000 na mga pamilya ang naapektuhan, at 20,000 sa kanila ay kinailangang lumikas sa mga

evacuation sites matapos lumubog sa baha o tuluyang masira ang kanilang mga bahay. Apektado rin ang kanilang kabuhayan.

Sa marami nating alalahanin sa buhay, marahil ay hindi na sumasagi sa ating isipan ang tungkol sa climate change o ang anumang balita tungkol sa ating kalikasan. Maliban na lang kung tayo ang naapektuhan ng matinding pagbaha o tag-init dito sa siyudad, hindi natin naiisip pang problemahin ang epekto ng nagbabagong panahon. Ang mahalaga ay may trabaho tayo, may maihahain sa ating mesa, at may tirahang matutulugan. Hindi natin makita ang ugnayan ng ating mga ginagawa sa ating kapaligiran. Hinahamon tayo ngayong baguhin ang ganitong pananaw.

Sa nakita nating magandang balita tungkol sa ozone layer at ang malungkot na balita naman tungkol sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagbaha, tandaan nating kahit ang pinipili nating gawin, maliit man sa ating paningin, ay may ambag sa kalagayan ng ating planeta at sa kaligtasan ng ating kapwa. Ang walang patid na pagkonsumo natin, halimbawa, ay nagbubunga ng basurang nagdudulot ng polusyon sa hangin. Ang polusyon sa hangin ay nakaaapekto sa klima na nagdudulot naman ng masamang panahong pumipinsala sa mga tao sa ibang lugar. “Everything is connected,” ayon pa rin kay Pope Francis.

Mga Kapanalig, bilang mga Kristiyano, tandaan din nating lahat ng bagay sa sansinukob ay patungo sa ating Panginoon dahil “ang lahat ay nilikha ng Diyos sa pamamagitan niya at para sa kanya,” wika nga sa Colosas 1:16-17. Lagi nating isaisip na ang bawat bagay na ginagawa natin ay may epekto sa ating kapwa at sa kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 39,168 total views

 39,168 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 44,586 total views

 44,586 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 51,293 total views

 51,293 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 66,087 total views

 66,087 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 72,243 total views

 72,243 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 39,169 total views

 39,169 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 44,587 total views

 44,587 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 51,294 total views

 51,294 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 66,088 total views

 66,088 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 72,244 total views

 72,244 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,920 total views

 40,920 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,504 total views

 51,504 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,721 total views

 59,721 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,954 total views

 43,954 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,930 total views

 49,930 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,023 total views

 53,023 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,728 total views

 42,728 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,616 total views

 43,616 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,919 total views

 58,919 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,328 total views

 71,328 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top