Examination of conscience at confession.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total views

Hinihikayat ng Military Ordinariate of the Philippines ang bawat mananampalataya partikular na ang mga kasapi Armed Forces of the Philippines at Philippine National Forces na suriin ang sarili bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, mahalaga ang pagsusuri ng budhi at paraan ng pamumuhay ng bawat isa upang maitama ang mga pagkakamali ng naaayon sa turo ng Panginoon.

Ipinaliwanag ng Obispo na sa pamamagitan ng sakramento ng kumpisal ay makakamit ng bawat isa ang kapatawaran at pagmamahal ng Diyos mula sa anumang pagkakamali o kasalanang nagawa sa buhay.

Sinabi ni Bishop Florencio na napapanahon ang pagninilay sa sarili, pagpapanibago at pagbabalik loob ngayong Semana Santa na paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus upang iligtas ang sangkatauhan sa kasalanan.

“Papasok tayo ng Holy Week ang isang bagay na gusto kong ipayo is to keep ourselves open is on the examination of conscience because its contemplating on ourselves, our person, contemplating us saan ba tayo, ano ba ang ginagawa ko, what are those things na dapat kong mapalitan, dapat kong i-improve and all these things. So the examination of conscience that will lead us doon sa confession, because confession also a praying field moment wherein we can receive God’s forgiveness and God’s love para sa ating lahat…”pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.

Unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng Sacrament of Reconciliation o Sacrament of Confession na naglalayong magkaroon ng matatag na spiritual health ang bawat isa.

Ayon kay Pope Francis ang puso o ang diwa ng pangungumpisal ay hindi lamang ang pag-amin sa mga kasalanan kundi ang pagpapatawad at pagmamahal na nagmumula sa Panginoon sa kabila ng anumang pagkakamaling nagawa ng bawat isa.

Saklaw ng Military Ordinariate of the Philippines ang pangangasiwa sa paggabay sa buhay espiritwal ng mga men and women in uniform mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP) at Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 51,225 total views

 51,225 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 51,225 total views

 51,225 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 51,225 total views

 51,225 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 49,656 total views

 49,656 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 45,362 total views

 45,362 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top