Archdiocese of Nueva Segovia, tuloy-tuloy ang programa para sa mahihirap.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 913 total reads

Sa kabila ng pandemya ay nagpatuloy ang Archdiocese ng Nueva Segovia sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa probinsya ng Ilocos Sur sa tulong ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Danilo Martinez, Social Action Director ng Caritas Nueva Segovia, ikinagalak nito na sa kabila ng mga pagsubok dulot ng pandemya ay hindi pa rin natigil ang kanilang mga programa para sa mga mangingisda, magsasaka at mga mag-aaral ng Arkidiyosesis.

Ayon kay Fr. Martinez, malaking tulong ang suporta ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila para maipagpatuloy nila ang kanilang mga nasimulang programa.

Inihayag ng Pari na nang magsimula ang mahigpit na pagpapatupad ng lockdown noong nagdaang taon ay nakapagsagawa sila ng mga “relief assistance effort” sa tulong ng dalawang nasabing institusyon.

“Marami na kami natulungan sa program ng Pondo ng Pinoy, una nakapagbigay kami ng babuyan sa mga Parishes, meron din mga community ng mga Madre na kasama yung mga trabahador nila doon sa community, nakapagbigay na din kami ng computer set sa different Chapels ng mga schools sa Archdiocese and at the moment under implementation yung pagbibigay namin ng fishing equipment sa isang island ditto. Pondo ng Pinoy gave us an amount during the pandemic kaya nagpapasalamat kami sa Pondo ng Pinoy ganun na din sa Caritas Manila at Radyo Veritas dahil sa kanilang tulong sa mga nangangailangan” dagdag pa ng Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia.

Umaasa si Fr. Martinez na mas mapapalakas pa nila ang pagtulong sa mga nangangailangan lalo na’t marami pa din ang lumalapit sa kanila dala ng kahirapan.

Ang Pondo ng Pinoy ay patuloy na tumutulong sa iba’t-ibang Diyosesis sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga bente singko sentimos na nalilikom sa mga paaralan at mga parokya habang ang Caritas Manila ay nagpapatuloy din sa pagsasagawa ng mga donation drive para sa mga programa sa mga mahihirap at naapektuhan ng kalamidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 43,455 total reads

 43,455 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 140,792 total reads

 140,792 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 185,061 total reads

 185,061 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 208,170 total reads

 208,170 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 281,417 total reads

 281,417 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,164 total reads

 110,164 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top