AFP, bigong gampanan ang misyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 373 total views

Dismayado si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad sa katotohanang sinasalamin ng pinakahuling pamumugot na ginawa ng bandidong Abu Sayaf sa isang Canadian national ang kabiguan ng mga militar na gampanan ang kanilang misyon sa rehiyon ng Mindanao.

Ito ang reaksyon ng Obispo, matapos ang ginawang pagpugot ng ASG sa Canadian national na si John Ridsdel kamakailan lamang sa Jolo.

Pagbabahagi ni Bishop Jumuad, maraming mamamayan na ang dismayado at napupuno ng takot dahil sa patuloy na karahasan na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin tuluyang nasosulusyunan ng pamahalaan lalo na ng AFP.

“Well it is a sad reality and then the people are saying ‘paano na ba ito? bakit nagkakaganito? saan na ba ang military? saan na ba ang policemen? saan na ba sila? bakit nagkaganito?’ so this is a general statement but the ang masasabi ko, hindi talaga,the military is not really doing well their work yun lang ang masasabi ko, because the people are frustrated and then they will just smile as if they were saying, sa kanila na lang yun,”pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang una nang hinamon ng Obispo ang pamahalaan na suriin ang kaledad at tunay na kakahayan ng mga nagtapos sa mga Military at Police Schools sa bansa sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin tuluyang nabubuwag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang grupo ng mga bandido na wala namang pormal na pag-aaral sa pakikipaglaban.

Kaugnay nito, hinamon ni UP Professor Leonor Briones – Former National Treasurer at Lead Convenor ng Social Watch Philippines ang gobyerno na gumawa ng aksyon upang papanagutin at bigyang katarungan ang panibagong karahasang ginawa ng mga Abu Sayaf group.

Iginiit ni Briones na dapat gawing prayoridad ng pamahalaan ang patugtugis sa mga rebeldeng grupo, upang bigyang katarungan ang naganap na krimen at tiyakin ang kaligtasan sa bansa hindi lamang ng mga dayuhan kundi maging ng lahat ng mga mamamayan.
Kaugnay nito, umapela na rin ang bansang Norway at Canada sa Pilipinas upang mabilis na tugisin ang mga bandidong grupo, matapos ang ginawang pagpugot sa 68-taong gulang na Canadian national na dinukot sa Holiday Ocean View Samal Resort kasama ang tatlo pa noong nakalipas na taon.

Batay sa tala ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), mula ng sumiklab ang kaguluhan sa rehiyon ng Mindanao, umaabot na sa mahigit 60,000 ang nasawi at umaabot na sa tinatayang P6-Bilyong piso ang pondong nailaan para sa pagtugis sa mga bandido at rebeldeng grupo sa rehiyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 55,134 total views

 55,134 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 83,139 total views

 83,139 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 100,939 total views

 100,939 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 98,565 total views

 98,565 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 206,862 total views

 206,862 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pag-iral ng El Niño, idineklara ng PAG-ASA

 3,392 total views

 3,392 total views Opisyal ng idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pag-iral ng El Niño sa bansa. Ayon kay PAGASA Weather

Read More »
Scroll to Top