Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Family living wage, hamon ng AMLC sa pamahalaan at Kongreso

SHARE THE TRUTH

 29,426 total views

Nanindindagan ang Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern (AMLC) na dapat makamit ng mga manggagawa ang ‘family living wage’.

Paalala ito ng A-M-L-C kasunod ng pagsusulong ng mga mambabatas ng 100 hanggang 150-pesos na legislated wage hike na karagdagan sa kasalukuyang 610-pesos na minimum wage sa non-agriculture workers, 573-pesos sa agricultural workers at 573-pesos sa service o retail employees.

Iginiit ng Church based labor ministry na ang kasalukuyang pasahod sa mga manggagawa ay kulang na kulang sa family living wage na umaabot sa 1,311-pesos noong Pebrero 2024 upang makapamuhay ng may dignidad ang mga manggagawa.

Bilang simbahan ng maralita (Church of the Poor) na siyang tagapagtaguyod ng hustisya at kapayapaan, na siya ring pinagbabatayan ng moralidad ng lipunan, dapat tayong magsilbing mabuting ehemplo sa pagbibigay ng dignidad sa mga mangagawa. Hindi sapat na sumusunod lamang tayo sa itinakda ng pamahalaan na antas ng pasahod at sabihin na wala na tayong alalahanin dahil sumusunod tayo sa batas. Tandaan natin na tayong nasa Simbahan ang laging nakamasid at nagpapaalala sa pamahalaan sa kanilang pagkukulang,” ayon sa mensahe ng AMLC.

Binigyan diin ng AMLC na ang tinatamasang suweldo ng mga manggagawa sa Pilipinas ay taliwas sa katuruan ng ensiklikal na Laborem Exercens ni Saint John Paull II na magiging makatarungan kung ang natatanggap na suweldo ng mga manggagawa ay sapat upang makasuporta sa kanilang pangangailangan at pamilya.

Hindi din kumbinsido ang AMLC sa pahayag ng business sector na maraming negosyo ang magsasara sa 100 o 150-pesos na legislated wage increase.

Tiniyak naman ng AMLC ang pinaigting na pakikiisa sa sektor ng mga manggagawa upang marinig ng lipunan at makakarating sa pamahalaan ang kanilang apela sa dinaranas na pasakit.

Alam nating ang mga manggagawa ay nabibilang sa mga sinasabi ni Pope Francis na “the least, the last and the lost” at marapat lamang na nasa kanila ang pagpanig ng Simbahan. Isang hamon sa atin na piliting ipatupad ang “family living wage” sa ating hanay. Lagi natin tatandaan na ang pagsunod sa batas ng minimum wage ay ligal, subalit mas moral kung ating ipatutupad ang family living wage, ganito din ang ating panawagan sa mga negosyante sa ating bansa: Pahalagagan natin ang mga manggagawa na silang nagpapaunlad ng mga negosyo at ekonomiya at ang unang sukatan ng pagpapahalagang ito ay ang nakabubuhay na sweldo,” ayon pa sa mensahe ng AMLC.

Sa Senado, ay pasado na sa ikatlo at huling pagdinig ang Senate Bill No. 2534, o 100-pesos daily minimum wage increase for workers increase act habang patuloy na dinidinig sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 150-pesos na wage hike

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 567 total views

 567 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 16,656 total views

 16,656 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 54,490 total views

 54,490 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 65,441 total views

 65,441 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 11,641 total views

 11,641 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 23,695 total views

 23,695 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top