Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Homily for Tuesday of the 33rd Week in Ordinary Time, 15 Nov 2022, Lk 19,1-10

I have a feeling that this was not the first time Zaccheus was observing Jesus from a distance. I think he had been spying on him prior to that encounter, probably listening to his teachings, but from afar, from a vantage point where he could see and hear him without being seen or heard himself.

Maybe he had felt like Jesus’ words were being addressed to him personally whenever he listened to him from afar. You know how it is with the Word of God; it has the power to change people’s lives. Remember that passage in Hebrews 4:12 that says, the Word of God is “living and effective, sharper than any two-edged sword, penetrating even between soul and spirit, joints and marrow, and able to discern reflections and thoughts of the heart.”

I have heard many stories of people who were not serious about their faith until one day, the Word of God hit them even as they kept a safe distance. I know someone who said he just attended a funeral Mass and he stood at the back pretending not to listen, but the sound system was good and he felt himself drawn to listen to every word. In fact, he felt like the priest was addressing every word of his homily to him personally.

Our first reading today, for example contains words that are like the two-edged swords described by Hebrews: “You think you are alive, but in truth, you are dead… You think you are rich, but in truth you are so poor and wretched… You are neither hot nor cold… Buy from me the real gold that will make you rich, spiritually, the real clothes that will cover your nakedness, the real ointment that will open your eyes and make you see… Those whom I love, I discipline.” These words of John in the Book of Revelations are timeless.

I imagine how Jesus said words like these, words which caught the attention of a tax collector like Zaccheus, from a distance. I imagine Zaccheus wanting to come close to Jesus but holding back, because he did not feel worthy. And so he got the surprise of his life when one day, it was Jesus himself who took the initiative and drew near to him. He may have thought he would not be seen fro up there where he had positioned himself. But Jesus, who was passing by, stopped right in front of the sycamore tree, looked up at him and even invited himself to have dinner with him at his house. It means Jesus had been aware of his presence from a distance all the time and Zaccheus did not know it. Actually another way of putting, “Come down, Zaccheus” was “Come near, Zaccheus.” You want to be my friend? I want it more than you do.

That was enough to change the life of Zaccheus. That was his chance to become truly alive, not dead, truly rich, not wretched. He did not think twice anymore when he heard Jesus as it were “kocking at the door”. All that Jesus was asking of him was to open up. That was all that it took to change his life’s direction and fulfill his heart’s deepest desire. And he went for it.

I know that some of those whom Jesus wants to visit are keeping a safe distance. Some of them have not stopped watching online because Jesus’ word have pierced their souls many many times. Inevitably, the time comes when he draws near and comes knocking. When that time comes, please, don’t hesitate. Open up. It might be the very first day of the rest of your life.

Pax Silica, nakaugat dapat sa katarungan, katotohanan at dignidad ng tao-Cardinal David

 4,938 total views

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang “Pax Silica” ay hindi dapat maging simbolo lamang ng pag-unlad sa teknolohiya kundi ng isang kapayapaang nakaugat sa katotohanan, katarungan, at dignidad ng tao.

Sa kanyang pagninilay na may titulong “What’s in a Name?”, ipinaliwanag ng Cardinal na ang salitang Pax ay nangangahulugang kapayapaan, ngunit ang mga naunang panahon tulad ng Pax Romana, Pax Britannica, at Pax Americana ay nakasalalay sa kapangyarihan ng malalakas na bansa.

Ayon kay Cardinal David, ang umuusbong na “Pax Silica” ay tila isang bagong kaayusang pandaigdig na pinangungunahan ng silicon, semiconductors, artificial intelligence, at iba pang digital technologies.

Gayunman, sinabi ng Cardinal na bagama’t malaki ang maitutulong ng artificial intelligence sa medisina, edukasyon, siyensya, at pag-unlad ng lipunan, maaari rin itong magamit sa disinformation, cyberattacks, surveillance, at mas mapanirang uri ng digmaan.

“Technology itself is morally neutral. It amplifies the intentions of those who wield it,” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ng Cardinal ang paalala ni Pope Leo XIV sa Magnifica Humanitas na higit na mahalaga ang moral na direksyon ng tao kaysa sa kakayahan ng teknolohiya.

“The decisive question is not, ‘What can artificial intelligence do?’ but ‘What kind of human beings are we becoming?'” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ipinaalala rin ni Cardinal David ang turo ni Pope Francis sa Fratelli Tutti na hindi makakamit ang tunay na kapayapaan kung paiiralin lamang ang kompetisyon ng mga bansa.

Sa huli, iginiit ni Cardinal David na ang tunay na “Pax Silica” ay maisasakatuparan lamang kung ang digital revolution ay gagabayan ng katotohanan, diyalogo, katarungan, at kapayapaan.

Paliwanag ng Cardinal na sa ganitong paraan lamang magiging bahagi ang teknolohikal na pag-unlad ng tinatawag ni Pope Leo XIV na “civilization of love,” sa halip na maging panibagong yugto ng kultura ng kapangyarihan at tunggalian.

“The aspiration for a genuine Pax Silica will not be fulfilled by silicon alone… It will be fulfilled only if the digital revolution is guided by truth rather than propaganda, dialogue rather than polarization, cooperation rather than domination, justice rather than exploitation, and peace rather than war.” Pagbabahagi ni Cardinal David.

Paalala ng Simbahan na ang tunay na pag-unlad ng teknolohiya ay nararapat laging magsilbi sa tao, sa kabutihang panlahat, at sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakapatiran ng buong sangkatauhan.

Mabibigat na hamon sa lipunan, nangangailangan ng sama-samang pagtugon-OFM

 5,066 total views

Nanawagan ang Minister Provincial ng Province of San Pedro Bautista–Philippines ng Order of Friars Minor (OFM) na pairalin ang pagkakapatiran, diyalogo, at kapayapaan sa gitna ng lumalalim na kahirapan, katiwalian, at pagkakahati-hati ng lipunan sa Pilipinas.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Portiuncula o Assisi Pardon at Kapistahan ng Our Lady of the Angels ngayong August 2, kasabay ng Jubilee Year ng paggunita sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi, kinilala ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, ang mabibigat na hamon sa lipunan na nangangailangan ng sama-samang pagtugon na nakaugat sa Ebanghelyo at sa halimbawa ng tagapagtatag ng Orden ng mga Pransiskano.

“Our beloved Philippines continues to face many challenges. We witness the widening gap between the rich and the poor, the continuing effects of corruption, political division that weakens our sense of nationhood, the spread of misinformation and hatred, violence against the vulnerable, and the destruction of our common home through environmental degradation,” ayon kay Fr. Redoblado.

Ayon sa pari, sa kabila ng kahirapan, katiwalian, pagkakahati-hati ng lipunan at paglaganap ng maling impormasyon, nananatiling buhay ang pag-asa sapagkat ipinapaalala ng Portiuncula na ang Diyos ay gumagawa ng mga dakilang bagay sa pamamagitan ng maliliit na tao at payak na mga lugar.

“Yet the little chapel of the Portiuncula reminds us that God always begins great things through little people and little places,” aniya.

Hinikayat ni Fr. Redoblado ang bawat Kristiyano na isabuhay ang kababaang-loob at paglilingkod bilang tugon sa umiiral na kultura ng paghahati-hati at hidwaan.

“Like St. Francis, we are invited to become a people of humility rather than domination, service rather than privilege, dialogue rather than division, and mercy rather than condemnation,” dagdag pa ng OFM Provincial.

Binigyang-diin din ng pari na ang biyaya ng Assisi Pardon ay paanyaya sa tunay na pagbabalik-loob at pakikipagkasundo sa Diyos, sa kapwa at sa sangnilikha.

“The Assisi Pardon proclaims that no one is beyond God’s forgiveness and that every person can begin anew. It reminds us that reconciliation with God must also lead to reconciliation with one another and with creation,” saad ni Fr. Redoblado.

Kasabay nito, hinimok niya ang mga Pransiskano at ang lahat ng mananampalataya na maging mga tulay ng pagkakapatiran sa isang lipunang higit pang nahahati dahil sa polarisasyon.

“As Franciscans, we are called to become bridges of fraternity in a society increasingly marked by polarization. We must resist every form of violence, falsehood, and indifference,” giit ng pari.

Binigyang-diin pa niya na, tulad ni San Francisco na tumawid sa gitna ng digmaan upang makipagtagpo sa Sultan sa diwa ng kapayapaan, dapat ding maging mga tagapagtaguyod ng pakikipagdayalogo, katarungan, at kapayapaan ang bawat Kristiyano sa kanilang pamilya, pamayanan, lugar ng trabaho, at sa buong bansa.

Hiniling din ng OFM Provincial na maging isang “buhay na Portiuncula” ang bawat pamayanan, parokya, paaralan, at pamilya—mga lugar na tumatanggap sa mahihirap, nagpapamalas ng awa, nagpapagaling ng hidwaan, gumagalang sa sangnilikha, at nagdadala sa mga tao kay Kristo.

Dalangin ni Fr. Redoblado na pagkalooban ng Panginoon ang Pilipinas ng karunungan, katarungan, kapayapaan, pagkakaisa at pag-asa sa pamamagitan ng panalangin ng Mahal na Birhen ng mga Anghel at ni San Francisco ng Assisi.

Isinagawa ang pagdiriwang sa replica ng Portiuncula Chapel ng Assisi sa loob ng Our Lady of the Angels Seminary sa Bagbag, Quezon City. Naging natatangi ang pagdiriwang ngayong taon dahil sa paggunita ng mga Pransiskano sa ika-800 anibersaryo ng Transitus ni San Francisco ng Assisi, na nagsisilbing paalala ng kanyang pamana ng kababaang-loob, awa at kapayapaan para sa Simbahan at sa lipunan.

Bagong fundamental law of Vatican city, pinagtibay ni Pope Leo XIV

 23,231 total views

Pinagtibay ni Pope Leo XIV ang bagong Fundamental Law of Vatican City State na nagbibigay pahintulot sa isang hindi kardinal na maging pangulo ng pangunahing pamunuan ng Vatican City State.

Inilathala ang bagong saligang batas noong Hulyo 31 at pinalitan ang bersyon na ipinatupad ni Pope Francis noong 2023. Ayon sa Vatican, layunin nitong iayon ang batas sa mga pagbabagong ipinatupad sa pamahalaan at administrasyon ng Vatican sa mga nakalipas na taon.

Isa sa pinakamahalagang pagbabago ang pormal na pagbubukas ng posisyon ng pangulo ng Pontifical Commission at Governorate sa mga hindi kardinal.

Noong 2025, itinalaga ni Pope Francis si Sister Raffaella Petrini bilang kauna-unahang babae at kauna-unahang hindi kardinal na namuno sa dalawang tanggapang ito.

Matatandaang noong Nobyembre 2025, naglabas naman si Pope Leo XIV ng isang motu proprio na nagbigay ng legal na batayan sa naturang pagbabago, na ngayon ay isinama na sa bagong saligang batas.

Nilinaw rin ng bagong batas ang tungkulin ng general councilor, na maaari nang dumalo at magbigay ng payo sa mga pagpupulong ng komisyon.

Pinalawak din ang tungkulin ng secretary-general, na siyang mangangasiwa sa pagpapatupad ng mga polisiya ng pangulo ng Vatican City State.

Ito na ang ikaapat na Fundamental Law ng Vatican City State mula nang itatag ito noong 1929 kasunod ng Lateran Treaty sa pagitan ng Vatican at Italya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa isang smartphone?

 160,701 total views

 160,701 total views Mga Kapanalig, sinong ayaw manalo ng pinakabago at pinakasikat na smartphone? Ganito inakit ng isang sikat na social media influencer ang mahigit 50

Read More »

Pax Silica

 200,008 total views

 200,008 total views Mga Kapanalig, hindi man natin namamalayan, nagiging parte naang artificial intelligence (o AI) ng ating pang-araw-araw na buhay. Pero anong uri ng kinabukasan

Read More »

Sino ang dapat hindi “one-sided”?

 228,158 total views

 228,158 total views Mga Kapanalig, sa pagtatapos ng pagdinig ng impeachment court sa Article 4 na may kaugnayan sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte

Read More »

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 343,494 total views

 343,494 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 363,997 total views

 363,997 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 31,451 total views

 31,451 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 95,471 total views

 95,471 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 45,795 total views

 45,795 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 49,618 total views

 49,618 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top