VeritasPH

The Word, The Truth

Gagaan pa ba ang trapik?

SHARE THE TRUTH

 231 total views

Mga Kapanalig, dahil sa matinding traffic ilang araw bago mag-Pasko, lalo na sa malalaking lansangan dito sa Metro Manila, may mga kababayan tayong binalikan ang mga sinabi ng dating DPWH Secretary at ngayon ay Senador Mark Villar tungkol sa problemang ito.

Ilang buwan matapos italaga ni dating Pangulong Duterte bilang DPWH secretary, sinabi ni Ginoong Villar na ang problema ng trapiko ay masosolusyunan ng administrasyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. Hindi pa nga raw siya “too ambitious.” Noong Abril 2021 naman, sa kasagsagan ng pandemya, sinabi niya sa kanyang Facebook post na ang trapiko sa Metro Manila “will never be the same.” Ang bawat siyudad daw ay magiging konektado, at ang magiging biyahe sa mga ito ay mula 20 hanggang 30 minuto lamang. Inulit niya ito sa Facebook kung saan ipinagmalaki niyang umarangkada na ang EDSA Decongestion Program. Prayoridad daw ng DPWH, ang kagawarang nangunguna sa mga proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng Build, Build, Build Program, ang pagtatayo ng mga kalsadang pakikinabangan ng publiko, kabilang ang mga highway na magpapagaan sa mabigat na daloy ng trapiko.

Ngunit sa pagbabalik ng mga sasakyan ngayong halos wala nang pumipigil sa mga taong lumabas ng kanilang bahay, kumabig si Senador Villar. Hindi naman daw niya “sinasabi na kayang tapusin [ang] traffic sa Metro Manila” sa loob lamang ng ilang taon. Ang importante raw, mayroon tayong “malaking improvement” sa mga susunod na taon.

Tahimik pero sumisigaw daw ang mga gawa ng nakaraang administrasyon. Pero sumisigaw din ang mga biyahero at pasahero dahil sa matinding trapik. Maging sa ipinagmamalaking Skyway, trapik din ang nararanasan ng mga dumaraan doon. Kahit nga ang kapwa senador ni Senador Villar na si Senadora Nancy Binay ay inireklamo minsan ang matinding trapiko sa Skyway.

Samakatuwid, hindi solusyon ang pagtatayo ng marami pang kalsada upang maibsan ang trapiko sa mga lungsod. Marami na nga ang nagsasabing mas malaki ang magagawa ng pagpapahusay sa ating public transport system. Ang pagtatayo ng mga kalsada, sa totoo lang, ay para sa mga may sariling sasakyan. Lumilikha pa ito ng tinatawag na “induced demand” kung saan mas naeengganyo ang mga pribadong motorista na gamitin ang kanilang sasakyan dahil alam nilang may mga kalsada silang madaraanan. At kapag dumagsa na sila sa mga lansangan, tiyak na bibigat ang daloy ng trapiko. Sa madaling salita, kung magtatayo tayo ng mas maraming highway, mas maraming drayber ang dadaan sa mga ito.

Sabi nga ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, ang kalidad ng buhay sa mga lungsod ay nakaugnay sa sistemang pantransportasyon sa mga ito. Maraming pribadong sasakyan ang naglalakbay sa mga kalsada, gayong iisa o kakaunti lamang ang nakasakay sa mga ito. Nagdudulot ito ng matinding trapiko, polusyon, at malakas na paggamit ng gasolinang nakapipinsala sa kapaligiran. Sa pagdagsa ng mga pribadong sasakyan dahil na rin sa pagtatayo ng mga kalsada, kailangan ding magtayo ng malalawak na parking spaces, mga espasyong magagamit sana sa mas makabuluhang bagay katulad ng pabahay para sa mahihirap o mga parke. Ang nakalulungkot, ang mga walang sariling sasakyan ay nagtitiis sa mga siksikang bus, dyip, at tren, at nag-aaksaya ng oras at lakas sa trapiko. Ang problema sa trapiko ay isa ngang isyu ng kawalang-paggalang sa dignidad ng tao at ng kawalang-katarungan sa lipunan.

Mga Kapanalig, mararanasan pa ba kaya natin sa ating mga lungsod ang ganda ng mundong nilikha ng Diyos, ang sanilikhang ayon nga sa aklat ng Genesis ay “pinagmasdan Niya at lubos Siyang nasiyahan”? Bilang mga Kristiyano, panatilihin natin ang pag-asa. Bilang mga mamamayang Pilipino, hingin natin ito sa mga binigyan natin ng kapangyarihang mamuno.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,264 total views

 5,264 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,249 total views

 13,249 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 20,785 total views

 20,785 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 36,771 total views

 36,771 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 44,815 total views

 44,815 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 5,265 total views

 5,265 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 13,250 total views

 13,250 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 20,786 total views

 20,786 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 36,772 total views

 36,772 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 44,816 total views

 44,816 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,488 total views

 45,488 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,913 total views

 43,913 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,699 total views

 45,699 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,624 total views

 42,624 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,938 total views

 56,938 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,628 total views

 60,628 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,231 total views

 59,231 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,218 total views

 69,218 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,186 total views

 73,186 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,073 total views

 84,073 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top