Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 91,967 total views

Mga Kapanalig, ang pagiging bahagi ng gobyerno ay isang bokasyon ng paglilingkod. 

Sa mga panlipunang turo ng Santa Iglesia, maliwanag na ang tinatawag na political authority (o ang kapangyarihang tangan ng mga namamahala) ay dapat gamitin sa paglilingkod sa taumbayan sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kabutihang panlahat o common good. Ang Catholic social teaching na Rerum Novarum ay nagpapaalalang ang estado ay may tungkuling ipagtanggol ang interes ng mga pinamamahalaan nilang hindi kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. 

Sa pagganap sa tungkuling ito, binibigyan ang ating mga lider ng mga kailangan nila. May opisina at mga gamit sila. May mga tauhan o staff silang katuwang sa araw-araw. Ang iba, may kasama pang security para maging ligtas sila. May mga sasakyan sila para marating ang mga dapat nilang puntahan. 

Ngunit ang mga ito ay dapat gamitin para lamang sa kanilang opisyal na trabaho. Gamitin nating halimbawa ang mga sasakyan. Sa Administrative Order No. 239 na inilabas noong administrayon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang pag-aari ng gobyerno para sa mga gawaing hindi official business. Sa madaling salita, hindi pwedeng gamitin ng mga opisyal ng gobyerno ang sasakyang itinalaga sa kanila para sa mga personal na biyahe. Binibigyang-diin sa naturang kautusan na “public office is a public trust” at kaakibat ng prinsipyong ito ang responsableng pangangasiwa at paggamit ng mga gamit ng gobyerno.

Nakalimutan yata ito ni Pangulong BBM.

Kamakailan, inulan ng batikos ang presidente matapos pumunta sa isang concert gamit ang presidential chopper. Malinaw namang hindi official business ang pagpunta sa concert, tama po ba? Paliwanag ng Presidential Security Group (o PSG), nagpasya silang ipagamit ang chopper dahil sa “unforeseen traffic complications.”   Matinding pagsisikip ng trapiko ang kanilang inaasahan dahil sa pagdagsa sa venue ng 40,000 na katao. Banta raw sa seguridad ng ating pangulo kung pupunta siya sa concert nang hindi gagamit ng presidential chopper

Tama nga naman ang PSG tungkol sa trapik. Kahit ang bokalista ng bandang nag-concert ay pinuna ang trapiko sa Kamaynilaan, at pinasalamatan ang mga dumating sa kabila ng kalbaryong iyon. Sinabi niya iyon habang nasa audience ang presidente at ang kanyang pamilyang gumamit ng presidential chopper para makaiwas sa trapik. Ano kaya ang naramdaman ng presidente? Sigurado, mas nainsulto ang ibang nanood ng concert na sinuong ang matinding trapik sa lansangan—hindi sa sinabi ng bokalista kundi sa ginawa ng presidente. Sabi nga ng iba, “sana all” nakakapunta ng concert nang naka-helicopter na ginagastusan ng buwis ng taumbayan.

Ang paggamit ng sasakyan ng gobyerno para sa personal na gawain ay hindi na bago. Hindi lang din ang presidente ang gumagawa nito. Naaalala ba ninyo noong pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte si PBBM dahil ipinahiram sa kanya ang presidential chopper para makauwi sa kanila sa Davao upang patulugin ang kanyang mga anak? (Nilinaw na iyon ng Philippine Air Force. Imposible raw na araw-araw pumupunta sa Davao at bumabalik sa Maynila ang bise presidente.) Ngunit kung nagagawa ng mga nakatataas sa gobyerno na gamitin ang gamit ng taumbayan para sa personal na biyahe, hindi na tayo magtataka kung marami ring ganito sa iba pang opisina ng gobyerno. 

Mga Kapanalig, hindi pribiliheyo ang dapat na hinahanap ng mga taong nagsisilbi sa taumbayan. May suweldo silang natatanggap—at maaaring may iba pang pinagkakakitaan—upang makabili sila ng sariling sasakyan. Hindi natin sinasabing hindi na sila dapat magkaroon ng oras para sa kanilang sarili—katulad ng panonood ng concert. Isaisip lang sana nilang may limitasyon ang kapangyarihan nila at idinidikta iyon ng sinumpaang tungkulin nila na unahin ang taumbayan. Sabi nga sa Lucas 22:26, “ang namumuno ay [dapat] maging tagapaglingkod.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,573 total views

 70,573 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,568 total views

 102,568 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,360 total views

 147,360 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,331 total views

 170,331 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,729 total views

 185,729 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,328 total views

 9,328 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,574 total views

 70,574 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,569 total views

 102,569 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,361 total views

 147,361 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,332 total views

 170,332 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,730 total views

 185,730 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

 135,599 total views

 135,599 total views Mga Kapanalig, sa Senate budget hearing noong nakaraang linggo, iniulat ni DPWH Secretary Vince Dizon na 22 silid-aralan lamang sa target na 1,700 ang

Read More »

Disenteng bilangguan

 146,023 total views

 146,023 total views Mga Kapanalig, inilarawan ni Independent Commission for Infrastructure (o ICI) Commissioner Rogelio Singson bilang “decent” o disente ang pasilidad kung saan dadalhin ang

Read More »

Shooting the messenger

 156,662 total views

 156,662 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel

Read More »

The Big One

 93,201 total views

 93,201 total views Nakakatakot, nakaka-pangangambang isipin ang “The Big One” Kapanalig, aminado ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na hindi mapipigilan at mangyayari ang

Read More »

Makatotohanang Anti-Corruption Crusade

 91,491 total views

 91,491 total views Kapanalig, ang kredibilidad ng anumang anti-corruption crusade ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tulad ng binuong INDEPENDENT COMMISSION for INFRASTRUCTURE(ICI) ay nakasalalay

Read More »
Scroll to Top