Deklarasyon ng St. John the Baptist Parish bilang minor basilica, ipinagpasalamat ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,906 total reads

Lubos ang pasasalamat ng Diocese of Antipolo sa Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob sa lokal na simbahan.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos isang karangalan ng diyosesis ang pagtalaga ng Santo Papa Francisco sa St. John the Baptist Parish sa Taytay, Rizal bilang Minor Basilica na kauna-unahan sa diyosesis at sa buong lalawigan ng Rizal.

Sinabi ng obispo na ito ay handog ng diyosesis sa buong simbahang katolika bilang patunay sa lumalagong pananampalataya ng mamamayan.

“We express our gratitude to God for this amazing grace and proclaim His goodness, faithfulness, and love. It is now our gift to give to the Universal Church.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Nagagalak si Bishop Santos na kasunod ng solemn declaration sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral ang pagdeklara sa ika – 23 Minor Basilica ng bansa na kauna-unahan sa lalawigan gayundin ito ang natatanging stone-church na itinatag noong 1579 sa labas ng Intramuros ang ginawaran ng pagkilala.

“We give our gratitude to His Holiness and we glorify our almighty God for raising our Parish Church as a Minor Basilica. We acknowledge our responsibility that this Minor Basilica will always be a channel of God’s overflowing graces, a working instrument of charity to our people, and a welcoming home as we go on our Synodality.” ani Bishop Santos.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Pedrito Noel Rabonza, II ang parokya katuwang sina Fr. France Edward Baasis at Fr. Aladin Alisbo, Jr.

Unang tiniyak ni Bishop Santos sa pag-upong punong pastol sa mahigit tatlong milyong katoliko ang pagpapaigting sa misyon at gawain ng simbahan na makatutulong sa paghubog ng pananampalataya ng nasasakupang kawan.

Ang diyosesis ay binubuo ng buong lalawigan ng Rizal kasama ang Marikina City kung saan katuwang ni Bishop Santos sa pangangasiwa si Auxiliary Bishop Nolly Buco gayundin ang paggabay nina Bishops Emeritus Francisco De Leon at Gabriel Reyes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 59,099 total reads

 59,099 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 163,192 total reads

 163,192 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,980 total reads

 199,980 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 230,555 total reads

 230,555 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 276,546 total reads

 276,546 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top