17,664 total views
Nakipagtulungan ang Caritas Manila sa Franciscan College of the Immaculate Conception (FCIC) upang mapalawig ang Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) scholarship.
Ayon sa Social Arm ng Archdiocese of Manila, magsisimula ang inisyatibo sa susunod na school year 2024-2025 kung saan maari nang isumite ng mga estudyante ang mga requirements sa Caritas Manila o FCIC upang makamit ang scholarship program.
“Franciscan College of the Immaculate Conception-FCIC is thrilled to announce its new partnership with Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program – YSLEP which will commence in the school year 2024-2025. In light of this, we are calling those interested College freshmen students next school year to apply for this scholarship, if you feel that you are qualified, submit the documents necessary to process your application.”pahayag ng FCIC
Ipinaalala ng Caritas Manila at FCIC na ang mga requirements ay kinakailangang magkaroon ng 85% pataas na grado ang mga mag-aaral na nais kumuha ng YSLEP scholarship.
Kasabay ito ng pagiging aktibong church volunteer o member sa kanilang komunidad, mayroong katunayan na kabilang sa pinakamahihirap na bahagi ng lipunan at sinusuportahan ng mga magulang ang kanilang pag-aaral.
Kinakailangan din na bukal ang loob ng kanilang pamilya na maging bahagi ng ibat-ibang programa ng simbahan na pinapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap katulad ng mgaprograma sa kalusugan, nutrition seminars, sacramental appreciation at magkakaibang livelihood training programs.
Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit limang libong mga mahihirap na mag-aaral hindi lamang sa Metro Manila kungdi sa magkakaibang bahagi ng Pilipinas ang pinapaaral ng Caritas Manila sa pamamagitan ng YSLEP scholarship program.