Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gamitin ang salita ng Diyos sa pagpili ng karapat-dapat na lider ng bansa- Bishop Pabillo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 504 total views

Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang mamamayan na gawing gabay ang Salita ng Diyos sa bawat oras.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng ‘Sunday of the Word of God’ kung saan binigyang diin ang kahalagahan ng mga Salita ng Diyos sa araw-araw na pamumuhay ng tao

Batid ni Bishop Pabillo ang napakahalagang responsibilidad ng mamamayan sa nalalapit na halalan sa Mayo 2022 kaya’t inaasahan nitong sa tulong ng mga Salita ng Diyos ay magabayan ang 63-milyong botante sa pagpili ng mabubuting lider ng bansa.

“Sa anumang desisyon natin, sana ginagabayan tayo ng Salita ng Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Muling iginiit ni Bishop Pabillo ang pagbabasa ng bibliya sapagkat dito nakalimbag ang mga Salita ng Diyos na makatutulong magabayan ang mamamayan at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon.

Naniniwala ang opisyal na sa tulong at gabay ng mga Salita ng Diyos mailuklok ng taumbayan ang mga lider na may pagpapahalaga sa bayan, sa kalikasan, nagsusulong sa interes ng nasasakupang mamamayan at higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos.

Sa nalalapit na pagsisimula ng pangangampanya sa Pebrero mas pinaigting ng simbahan ang iba’t ibang voter’s education campaign na makatutulong sa ‘discernment’ ng mga botante sa mga karapatdapat na kandidato.

Kabilang na rito ang ‘Train the Trainers’ at siyam na buwang novena masses ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, ‘Halalang Marangal 2022’ ng Caritas Philippines at ang ‘One Godly Vote’ ng Radio Veritas 846 – ang media arm ng Archdiocese of Manila.

Layunin ng mga programang ipaunawa sa mahigit 60-milyong botante ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang ng mga turo ng simbahan sa pagpili ng mga lider ng bayan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEGACY OF CORRUPTION

 14,296 total views

 14,295 total views In St. Paul’s Letter to the Philippians, we find echoes of this lofty ideal: Christ Jesus “emptied himself, taking the form of a

Read More »

Kabiguan sa kabataan

 64,830 total views

 64,829 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 94,793 total views

 94,792 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 108,672 total views

 108,671 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 19,345 total views

 19,345 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567