383 total views
Nananawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Social Communications sa mamamayan at sa mga Social Communications ministry ng bawat Simbahan na gamitin ang internet at social media lalo na sa banta ng bagyong Rolly sa bansa.
Ayon kay Diocese of Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., chairman ng kumisyon, kailangang magamit ng tama ang makabagong paraan ng pakikipagkomunikasyon upang makapagbahagi ng mga balita at impormasyon kaugnay sa pananalasa ng bagyo.
Sinabi ng Obispo na higit na kinakailangan ng mamamayan ang tama, napapanahon at mahahalagang impormasyon na makatutulong sa kaligtasan ng bawat isa sa pananalasa ng bagyo Rolly.
“I also ask all SocCom ministries to help in the dissemination information regarding the forthcoming typhoon. Try your best to provide TRUE, TIMELY and USEFUL INFORMATION to our people.”pahayag ni Bishop Maralit Jr. sa Radio Veritas.
Binigyang diin rin ni Bishop Maralit na mahalagang maging handa ang bawat isa at sumunod sa mga abiso ng iba’t-ibang ahensya upang matiyak ang kaligtasan sa pananalasa ng bagyo.
Iginiit ng Obispo na napakahalaga ng buhay kaysa anumang ari-arian o materyal na bagay.
“Try your best to prepare what we can and please listen to the warnings being given. And always remember that your life is much more important than anything we may own.” Dagdag pa ni Bishop Maralit.
Hinimok naman ni Bishop Maralit ang lahat na magkaisa sa pananalangin at pagsusumamo sa awa at proteksyon ng Panginoon mula sa banta ng kapahamakan na hatid ng bagyong Rolly sa bansa.
Binigyan diin ni Bishop Maralit na sa kabila ng takot at pangamba ay dapat na manatili ang pananampalataya at pagtitiwala ng bawat isa sa kaloob na biyaya at plano ng Panginoon para sa lahat.
“Sa lahat po let us pray together and ask for the Almighty’s Loving protection that we may be saved from the threat of this coming typhoon. Let us entrust ourselves to our God, and believe that even if we are hit by this typhoon, our Lord, just like in any of the trials we have already gone through, would always give us the graces we need to get back on our feet. We will survive this together.”Ayon pa kay Bishop Maralit.
Matatandaang unang nanawagan at hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang bawat isa na gamitin sa mas makabuluhang pamamaraan at pagpapalaganap ng ebanghelyo ang mga modernong teknolohiya.