Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing blangko ang balota kung walang mapiling kandidato

SHARE THE TRUTH

 188 total views

Ito ang payo ng Obispo kung walang mapagpilian sa mga kakandidato sa 2016 national at local elections sa darating na Mayo.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, hindi tamang pumili ng mga kandidatong masasabing “lesser evil” dahil ito ay pagboto pa rin sa maling kandidato.

“Kung wala naman tayo mapili, huwag tayong pumili ng lesser evil because to vote for lesser is a vote for evil. Kaya kung wala tayong makita na karapat-dapat, ang hindi paglagay ng pangalan sa ating balota ay bahagi na rin ng ating political choice at hangarin na maibalik ang kultura ng kabutihan sa political system ng bansa.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na bahagi din ito ng commitment ng mga mananampalataya sa eukaristiya at sa ating pananampalataya na maging responsible sa ating pagboto at huwag hayaang maibenta at maimpluwensiyahan ang boto.

“Huwag tayung magpapadala lang sa mga sabi sabi ng iba, kaya habang tayo ay sumisikap na bumuto ng maayos pangalagaan din natin na huwag tayung madala ng panlilinlang, huwag tayung madala ng pagbibili ng boto, so yun ay commitment din natin sa eukaristiya.” paliwanag ni Bishop Pabillo.

Hinimok din ng Obispo ang mga botante na pahalagahan at pasalamatan ang diyos sa dakilang pagkakataon na siya ay sumasaatin kayat papahalagahan dapat natin ang kanyang presensiya sa banal na eukaristiya.

“Ito ay nangangahulugan na tayo ay biniyayaaan, may commitment din tayo, commitment na dapat nating pahalagahan ang pananampalataya at isulong ang panawagan ng pananampalataya.” dagdag pahayag ng Obispo.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na base sa pastoral statement ng CBCP, umaasa ang kapulungan ng Obispo na mapapasaatin ang biyaya at grasya ng Panginoon sa darating na halalan.

Nanawagan ang C-B-C-P sa mga mananampalataya na sikaping bumoto ng maayos at bantayan na mabilang ang ating mga boto.

“Sa eleksiyun sana ang Diyos ay sumasaatin, kaya may pag-asa tayo, may hope of glory at kailangan din po tayo na makikiisa sa nangyayari sa ating mundo ngayon kaya sikapin natin na bumuto ng maayos para sa eleksiyun, tayo ay magbantay na ang boto natin ay dapat na bilangin. Kaya tinawagan din natin ang COMELEC na maglagay ng mga safety features sa mga makinang gagamitin sa halalan na nakapaloob sa batas”.saad ng Obispo

Sa datus ng Commission on Elections,mayroong kabuuang 54.4 milyon ang registered voters na siyang pipili at maghahalal ng mga susunod na lider ng ating bansa sa susunod na anim taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 7,309 total views

 7,309 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 27,233 total views

 27,233 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 33,278 total views

 33,278 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 41,814 total views

 41,814 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 49,715 total views

 49,715 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 35,894 total views

 35,894 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 35,904 total views

 35,904 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 35,928 total views

 35,928 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top