82,374 total views

Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies.

Sa mga kaso ng road rage, sinususpendi lamang ng Land Transportation Office o LTO ang lisensiya ng mga kasangkot na “kamote drivers”.

Noong nakalipas na lingo, 12-katao na kinabibilangan ng apat na taong gulang na bata ang nasawi at 28-katao ang nasugatan ng banggain ng rumaragasang pampasaherong bus ang tatlong kotse at isang closed van sa toll plaza ng SCTEX northbound.Sinasabing naka-idlip ang bus driver habang nagmamaneho na nagresulta sa trahedya.

Kasunod nito, dalawa ang namatay na kabilang ang isang 5-taong gulang na batang babae habang apat ang nasugatan ng sagasaan ng isang humaharurot na SUV ang bollards o vehicle barriers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Siyempre Kapanalig, kapag may aksidente…may imbestigasyon… Inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nagpagawa ng mga depektibong protective bollards na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katao… Akalain mo Kapanalig, kung hindi depektibo ang bollards, wala sanang namatay.

Dahil sa sunod-sunod na aksidente, iminungkahi ng pamahalaan na isa-ilalim sa drug test kada lingo ang lahat ng tsuper ng Public Utility Vehicles upang maiwasan ang aksidente sa daan.. Pero Kapanalig, hindi ito ang sagot sa problema.. Ang bus driver na sumagasa sa mga sasakyan sa SCTEX ay negatibo sa drug test… Saan ang problema?

Ang totoo Kapanalig, ang problema ay ang pagkakaloob ng LTO ng driver’s license, marami sa nabigyan ng driver’s license ay mga kamote driver…walang karapatan…hindi karapat-dapat na bigyan ng lisensiya.. Napapanahon na isa-alang alang LTO ang karakter, pag-uugali at personalidad ng isang mamamayan na naghahangad na magmaneho ng alinmang uri ng sasakyan, pampasahero man o pribado…Nararapat sa isang tsuper ay responsable… may disiplina… may pagpapahalaga at malasakit sa kanyang mga pasahero…mapagkumbaba… mahaba ang pasensiya…sumusunod sa mga batas sa lansangan.

Importante din na gawing accountable ng Department of Transportation ang mga may-ari ng PUV sa road worthiness ng mga sasakyan.. Mahigpit na ipatupad ng DoTR ang Republic Act (RA)4136 o Land Transportation and Traffic Code.. Ang batas trapiko ay dapat ipatupad ng iba’t-ibang law enforcement agency.. hindi ang pangongotong…under the table transaction sa pagkuha ng drivers license…issuance ng mga prangkisa…

Huwag kang mag-alala Kapanalig, nangako naman si PBBM na magpatupad ng reporma sa transport system ng bansa upang matigil na ang mga aksidente sa lansangan na nagbubuwis ng buhay… Yun nga lang, anong reporma kaya?

Kapanalig lagi nating isabuhay ang pagdarasal para sa ating kaligtasan.. Sa ating paglalakbay, isapuso natin ang Proverbs 3:6 – “In all your ways submit to him, and he will make your paths straight.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,510 total views

 12,510 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,154 total views

 27,154 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,456 total views

 41,456 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,169 total views

 58,169 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,128 total views

 104,128 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,511 total views

 12,511 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Health emergency dahil sa HIV

 27,155 total views

 27,155 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,457 total views

 41,457 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

K-12 ba ang problema?

 58,170 total views

 58,170 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top