Caritas Philippines, nagagalak sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,211 total views

Labis ang kagalakan ng humanitarian, advocacy, at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagkakahirang kay Pope Leo XIV, na kinikilala bilang pinunong may tapang at malasakit sa mga pinakaapektado ng krisis sa klima.

Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, nawa’y ang pamumuno ng bagong Santo Papa ay magsilbing panibagong lakas upang harapin ang lumalalang climate emergency na patuloy na nagpapaalis sa mga pamilya, pumipinsala sa kabuhayan, at naglalagay sa panganib sa kinabukasan ng susunod na henerasyon.

“His call to “move from words to action” must not remain a slogan. We echo this urgent appeal and call on the global Church, governments, and all sectors of society to step up and respond with courage and conviction,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, na siya ring CBCP Bishop-Champion for Integral Ecology at lead convenor ng Laudato Si’ Convergence, handa ang Caritas Philippines na makipagtulungan sa bagong Santo Papa upang gawing konkretong pagkilos ang pananampalataya para sa pangangalaga sa kalikasan.

Tiniyak din ng obispo na mananatiling matatag ang Simbahan sa panawagan para sa katarungang pangkalikasan, lalo na para sa mga pamayanang nangunguna sa mga labis na apektado ng krisis sa klima.

“We pray that under Pope Leo XIV’s leadership, the Church will stand even more firmly with communities on the frontlines of ecological
collapse. We are ready to work alongside him in turning faith into action for the care of our common home,” ayon kay Bishop Alminaza.

Si Papa Leon XIV, o Cardinal Robert Prevost, OSA, ay ang dating prefect ng Vatican Dicastery for Bishops bago mahalal bilang ika-267 Santo Papa.

Ipinanganak sa Chicago sa America, si Prevost ay miyembro ng Augustinian Order at naglingkod bilang obispo ng Diocese of Chiclayo, Peru, kung saan kinilala ang kanyang malasakit sa mga mahihirap at katutubong pamayanan.

Kilala rin si Papa Leon XIV sa kanyang matatag na paninindigan sa mga usaping panlipunan tulad ng climate justice, migration, at karapatang pantao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 29,847 total views

 29,847 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 57,852 total views

 57,852 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 75,652 total views

 75,652 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 74,481 total views

 74,481 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 184,727 total views

 184,727 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 11,036 total views

 11,036 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top