Maging proud, hindi ikinalulungkot ang hindi pagkakahirang ni Cardinal Tagle na Santo Papa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,306 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na walang dapat ikalungkot ang mga naniniwalang si Cardinal Luis Antonio Tagle ang dapat na maging Santo Papa sapagkat ang Poong Maykapal ang tunay na naghirang ng kanyang bagong kinatawan.

Ito ang pahayag ni Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, kasunod ng pagpapahayag ng kalungkutan ng ilan sa hindi pagiging Santo Papa ni Cardinal Tagle sa katatapos lamang na Papal Conclave.

Ayon sa Pari, nararapat lamang na ikagalak ang pagkakahirang kay Cardinal Robert Prevost, O.S.A. bilang bagong punong pastol ng Simbahang Katolika na siyang mangunguna sa pagsusulong sa misyon ng Simbahan sa buong daigdig.

“Hindi dapat ma-disappoint ang mga naniniwalang si Cardinal Tagle ang dapat maging santo papa. Ang pagkahirang kay Cardinal Prevost bilang santo papa ay dapat ikagalak ng mga mananampalataya dahil mayroon ng pinuno ang Simbahang Katolika na mangunguna sa pagsusulong ng misyon nito sa buong mundo.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa Radyo Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Secillano, dapat na maunawaan ng bawat isa na hindi tuwinang namamayani ang kagustuhan ng taumbayan sapagkat mas kinakailangang tugunan at iprayoridad ang tunay na pangangailangan ng Simbahan at ng lipunan.

Paliwanag pa ng Pari, ang pagkakahirang ng Cardinal Electors kay Cardinal Prevost ay walang kaugnayan sa usaping politika sa halip ay bunga o resulta ng kanilang sama-samang pananalangin at pagninilay sa loob ng mga nakalipas na araw.

Giit ni Fr. Secillano, marapat lamang na manalangin at pasalamatan ng lahat ang Panginoon sa kanyang paggabay sa mga Cardinal Electors na naghirang sa napili ng Diyos na maglingkod at magsilbing pastol ng kanyang kawan.

“May mga pagkakataong hindi ang gusto ng taumbayan ang namamayani kungdi ang pangangailangan ng simbahan ang dapat tugunan. Ang desisyon ng mga Kardinal na hirangin si Cardinal Prevost bilang santo papa ay hindi bahagi ng politika o kapritso lamang ng mga bumoto sa kanya. Ito ay resulta ng sama-samang nilang pagninilay at pananalangin. Marapat lamang na tayong lahat ay magkaisa sa pagpapasalamat sa Poong Maykapal sa pagbibigay niya ng kanyang kinatawan sa katauhan ni Papa Leon XIV.” Dagdag pa ni Fr. Secillano.

Umaasa rin ang Pari na ipanalangin ng bawat isa si Cardinal Prevost sa kanyang kahaharaping misyon bilang ika-267 Santo Papa na napiling gamitin ang Papal Name na ‘Pope Leo XIV’ sa kanyang pagsisilbing punong pastol ng mahigit sa 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

Sa tala ang Pilipinas ay isa sa mga dalawang bansa sa Asya na mayroong malaking bilang ng populasyon na nagpapahayag ng pananampalatayang Katoliko at pangatlo naman sa may pinakamalaking populasyon ng Katoliko sa daigdig kasunod ng Brazil at Mexico.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 18,812 total reads

 18,812 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,939 total reads

 18,939 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 34,329 total reads

 34,329 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 90,735 total reads

 90,735 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 214,236 total reads

 214,236 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 297,941 total reads

 297,941 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top