Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Inagurasyon ni Pope Leo XIV, itinakda sa May 18

SHARE THE TRUTH

 5,025 total views

Gaganapin ang pagdiriwang ng misa para sa opisyal na pagsisimula ng panunungkulan ni Pope Leo XIV sa Mayo 18, araw ng Linggo, ganap na alas-10 ng umaga sa St. Peter’s Square (oras sa Roma).

Ito ang Inanunsyo ito ng Prefecture of the Pontifical Household noong Biyernes, kasabay ng paglalabas ng mga gawain ng mga unang aktibidad ng bagong Santo Papa.

Pinangunahan ni Pope Leo XIV ang misa kasama ang mga cardinal electors nitong Biyernes ng alas-11 ng umaga, oras sa Roma. Ito ay isang taimtim at makasaysayang sandali ng pagkakaisa sa pagitan niya at ng mga pinakamalalapit niyang tagapayo.

Ang misa ay ginanap sa Sistine Chapel, kung saan isinagawa ang halalan na humirang sa kanya bilang kauna-unahang Papa mula sa Estados Unidos at sa Orden ng mga Agustino.

Batay sa schedule, muling makikipagtagpo si Pope Leo XIV sa mga cardinal sa Mayo 10, Sabado. Sa Mayo 11, Linggo ng tanghali, pamumunuan niya ang Regina Caeli mula sa central balcony ng St. Peter’s Basilica—ang panalanging humahalili sa Angelus tuwing panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Kinabukasan, Mayo 12, ay makikipagpulong naman siya sa mga mamamahayag sa Paul VI Hall.

Sa Mayo 16, inaasahang makakaharap ng Santo Papa ang mga pinuno ng diplomatic coprs. Kabilang din sa kanyang mga naunang aktibidad ang pormal na pag-aangkin sa mga pangunahing basilica ng Roma—ang mga banal na pintuan nito ay binuksan ng kanyang yumaong sinundan na si Pope Francis bilang paghahanda sa 2025 Jubilee Year.

Dalawang araw matapos ang Misa ng inagurasyon, sa Mayo 20, pupuntahan ni Pope Leo XIV ang Basilica of St. Paul Outside the Walls, na siyang kinatatayuan ng libingan ni San Pablo. Sa Mayo 25, pagkatapos ng Regina Caeli, pormal niyang tatanggapin ang Basilica of St. Mary Major at ang Basilica of St. John Lateran—ang opisyal na katedral ng Diocese of Rome. Sa Mayo 21 naman gaganapin ang kanyang kauna-unahang general audience tuwing Miyerkules, at sa Mayo 24 ay makikipagtagpo siya sa mga opisyal at kawani ng Vatican Curia at Vatican City State.

Samantala, naglabas ng pahayag ang Holy See na pansamantalang mananatili sa puwesto ang mga pinuno ng dicasteries at iba pang opisina ng Vatican habang hindi pa gumagawa ng pinal na desisyon ang Santo Papa.

“His Holiness Leo XIV has expressed the wish that the Heads and Members of the Institutions of the Roman Curia, as well as the Secretaries and the President of the Pontifical Commission for Vatican City State, provisionally continue in their respective offices donec aliter provideatur (until otherwise provided),” ayon pa sa pahayag. – Vatican

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 16,768 total views

 16,768 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 32,856 total views

 32,856 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,580 total views

 70,580 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,531 total views

 81,531 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,253 total views

 25,253 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,664 total views

 3,664 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,581 total views

 23,581 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top