Filipino voters, hinamong piliin ang pamahalaang mabuti

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,095 total reads

Sa nalalapit na pambansa at lokal na halalan ngayong Lunes, nanawagan si Fr. Angel Cortez, OFM, Co-executive Secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), sa mga mananampalataya na suriing mabuti ang kanilang mga iboboto at piliin ang mga kandidatong tunay na nagsusulong ng kabutihan, katotohanan, at katarungan.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Cortez ang paulit-ulit na siklo ng pagboto sa mga tiwaling pulitiko.

“Lagi nating sinasabi na gutom tayo sa gobyernong tapat, sa isang gobyernong makatotohanan, pero ang binoboto naman natin yung mga corrupt, ang binoboto natin sila-sila pa rin,” aniya.

Ipinunto rin niya ang kawalang-pagbabago sa politika ng bansa dahil sa paulit-ulit na pagluklok sa mga pamilyang kabilang sa dinastiyang politikal.

“Sinabi natin uhaw tayo sa isang pamahalaang mabuti. Pero binoboto natin pamilyang dinastiya pa rin. Sila-sila pa rin ang apelyido, hindi na nagbabago mula sa lolo hanggang sa kaapo-apuhan.”

Nanawagan si Fr. Cortez sa mga botante na alalahanin ang kanilang pananampalataya at isabuhay ito sa pagboto. “Tanungin natin ang ating sarili: kung tayo ay gutom sa hustisya, kung tayo ay uhaw sa pamamalakad ng tapat at mabuti, boboto pa ba ako ng corrupt? Boboto pa ba ako ng makasarili? Boboto pa ba ako ng sinungaling?”.panawagan ng Pari

Hinimok rin niya ang mga mananampalataya na huwag lamang iboto ang mga kilalang pangalan, kundi bigyan din ng pagkakataon ang mga kandidatong maaaring hindi sikat ngunit may tunay na malasakit sa bayan.

“Sapagkat kung nais nating pakainin lahat, isipin din natin na marami ring pwedeng mamuno, kaya lang hindi sila kilala.”paalala ng pari

Tinuligsa rin ng pari ang ilang kasapi ng Simbahan na nagdarasal para sa malinis na halalan ngunit lantaran namang sumusuporta sa mga tiwaling politiko.

“Tayo po sa simbahan minsan hilaw yung ating pananaw… sumusuporta sa mga pamilyang corrupt… kaya ugatin natin kung ano ba ang tunay nating kagutuman at kauhawaan.”hamon ng pari

Sa huling bahagi ng homiliya, nanalangin si Fr. Cortez para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga botante.

“Ipanalangin natin sa Panginoon: tulungan nyo po kaming mapawi ng inyong katawan at dugo ang sistema ng gobyerno na mayroon ngayon. Ipadala nyo po ang Espiritu Santo na bumoto ng tama, tapat, at matalino ang bawat Filipino.”

Binigyang-diin niyang ang pagboto ay isang sagradong gawain na may pangmatagalang epekto. “Ang gagawin natin sa Lunes ay Sagrado. Pero ang epekto, tatlo, anim na taon at pangmatagalan pa para sa kinabukasan ng ating bayan.”

Muling paalala ni Fr. Cortez, “Hindi ang ayuda, hindi ang panunuhol, at hindi ang pagbili ng boto ang dapat tanggapin. Ipanalo natin si Kristo, ipanalo natin ang hustisya at katotohanan. Bumoto tayo ng tapat at may pananampalataya.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 33,869 total reads

 33,869 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 260,459 total reads

 260,459 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,926 total reads

 153,926 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,957 total reads

 247,957 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 290,576 total reads

 290,576 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top